Armadong grupong 'impostor' ng PDEA, 'nangingikil,' tinutugis | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Armadong grupong 'impostor' ng PDEA, 'nangingikil,' tinutugis

Armadong grupong 'impostor' ng PDEA, 'nangingikil,' tinutugis

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 05, 2019 12:48 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Pinaghahanap ngayon ng Southern Police District ang grupo ng mga armadong lalaki na nagsitakas matapos magpakilalang mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Sa kuha ng CCTV sa Barangay Ususan sa Taguig City noong Pebrero 4, makikita ang pagbaba ng isang armadong grupong suot ang uniporme ng PDEA mula sa dalawang sasakyan: isang itim na Mitsubishi Montero at itim na pick-up Toyota Hilux.

Bitbit nila ang isang lalaki papasok sa isang eskinita.

Maya-maya pa, lumabas ang grupo dala na ang tatlong lalaking tila inaresto nila sabay agad ding umalis.

Nitong Pebrero 18 naman, bumalik ang itim na Mitsubishi Montero sa parehong barangay at tila may inaabangan.

Kita sa CCTV ang mga mukha ng mga tao na may dalang mahabang baril at may mga face mask.

Dahil nagduda ang barangay, agad silang tumawag ng pulis.

ADVERTISEMENT

"Nu'ng rumesponde kami, nagpakilala silang PDEA kasi naka-uniporme ng PDEA...Tapos tumakbo sila," ani Senior Superintendent Alexander Santos, hepe ng Taguig police.

Matapos ang halos isang oras na habulan, nabawi ng pulis ang Hilux ng grupo pero nakatakas ang mga sakay nito at ang itim na Montero.

Dito nadiskubre ng pulis ang isang carbine, isang glock pistol, mga radyo, posas, at P295,000 halaga ng pekeng pera.

Ayon sa Taguig police, nalaman nilang umiikot ang grupo at "nanghuhuli" sabay pineperahan ang mga biktima.

"Base sa statement nu'ng nahuli...hiningan sila ng pera nu'ng nahuli...So definitely hindi na ito trabaho ng PDEA," ayon kay Santos.

Nababahala naman si National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Oscar Albayalde lalo't unipormado at armado ang grupo.

ADVERTISEMENT

Wala rin umanong koordinasyon ang PDEA na mag-o-operate sila sa Taguig sa mga araw na nakuhanan ng CCTV ang grupong nakasuot ng uniporme ng ahensya.

"Dapat talagang imbestigahan nang mabuti ito kung sila ay mga impostor...Maybe PDEA should also check their ranks," ani Albayalde.

Sinabi naman ng PDEA na kasalukuyan nilang inaalam kung mga tauhan nga nila ang nasa video ngunit nilinaw nilang wala silang inutos na operasyon sa Taguig City na hindi ipinaalam sa pulisya.

--Ulat ni Raffy Santos, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.