Lalaking nakamotorsiklo, patay sa aksidente sa QC | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalaking nakamotorsiklo, patay sa aksidente sa QC

Wheng Hidalgo,
ABS-CBN News
Published Feb 26, 2021 10:37 PM PHT

MAYNILA - Dead on the spot ang isang lalaking nakamotorsiklo sa EDSA, Quezon City sa pagitan ng Mother Ignacia Street at Scout Albano Street nitong Biyernes.

Walang nakakita sa aksidente. Ayon sa mga kasunod nya sa EDSA na ayaw magapa-interview, nakita na lang nilang nakabulagta na ang lalaki at may taxi na humarurot pa-south bound bandang alas-7 ng gabi.

Nagmagandang loob naman ang isa ring rider at tinignan ang lisensya ng biktima at tinawagan ang numerong nasa likod nito.

Taga-Catmon, Malabon ang rider na 24-anyos. Nakausap na ang pamilya nito at ipinasa na sa pulis ang mga impormasyon.
Taga-Catmon, Malabon ang rider na 24-anyos. Nakausap na ang pamilya nito at ipinasa na sa pulis ang mga impormasyon.
ADVERTISEMENT
Walang suot na helmet ang rider pero nakasukbit ang isa pang helmet sa kaniyang braso.

Malamang daw ay tumalsik ang helmet sa lakas ng pagkakabangga sa kanya.

Nang dumating ang ambulansya ng QC Rescue group, pinulsuhan ang rider pero wala na itong buhay. Teorya ng pulisya, tumalsik ang kanyang helmet kaya napuruhan ang ulo nito.

Ayon sa mga barangay tanod ng Barangay South Triangle, hindi hagip ng kanilang CCTV camera ang insidente dahil nakatutok ito sa bahagi ng Scout Albano.

Hinihintay pa ng pulisya ang tugon ng pamilya pero dadalhin na ng ambulansya ang bangkay.

RELATED VIDEO
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT