'Nagpanggap' na empleyado ng tindahan ng e-bike tumangay ng P10,000 | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Nagpanggap' na empleyado ng tindahan ng e-bike tumangay ng P10,000

ABS-CBN News
Published Feb 26, 2019 05:36 PM PHT

Pinaghahanap ngayon ang isang lalaki na nagpanggap umanong empleyado ng tindahan ng e-bike at tumangay ng P10,000 sa dalawang customer nito sa Caloocan City.

Kuwento ng mag-asawang biktima na sina Jenny at Delson Caglinawan, ipangda-down payment sana nila ang P10,000 sa bibilhing e-bike na gagamitin sa kanilang negosyong sari-sari store.

Pagdating nila ng tindahan ay lumapit umano sa kanila ang isang lalaki, na noo'y inakala nila na manager ng tindahan.

"Ang tingin namin sa kanya manager, 'yung loob namin sa kanya parang involved doon sa store na yun, kasi disente ang bihis niya at nag-ano ng e-bike, 'o 'yan maganda, 'yan ang product namin,'" ani Jenny.

ADVERTISEMENT
Abala noon ang kahera sa pag-aayos ng resibo kaya nang makapagdesisyon ang mga biktima na magbabayad na sila ay hiningi umano ito ng kawatan at nagsabing siya na raw mag-aabot.

Ayon sa CCTV footage noong Pebrero 25, makikitang binulsa ng lalaki ang pera at agad na umalis.

Nalaman na lang ng mga biktima na natangayan sila ng pera nang tanungin sa kahera kung natanggap ba nila ang perang iniabot sa lalaki.

Agad na ipina-blotter ng mag-asawa sa Police Community Precinct 2 sa Caloocan ang insidente, na iniimbestigahan na ngayon ng pulisya.

Nanawagan ang mga biktima na maging mapagmatyag sa mga makakausap sa tindahan. -- Ulat ni Kevin Manalo, ABS-CBN News