Kilos-protesta isinagawa sa death anniversary ng 'New Bataan 5' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Kilos-protesta isinagawa sa death anniversary ng 'New Bataan 5'

Kilos-protesta isinagawa sa death anniversary ng 'New Bataan 5'

Jose Carretero,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Idinaan sa isang kilos-protesta ang paggunita ng unang anibersaryo ng pagkamatay ng volunteer teachers na sina Chad Booc at Gelejurain Ngujo II.

Kasama rin sa namatay ang Lumad community health worker na si Elegyn Balonga at drivers na sina Tirso Añar at Robert Aragon.

Sa University of the Philippines Diliman, nagtipon-tipon ang mga indigenous peoples advocates kagaya ng Save Our Schools Network, National Minorities sector, at UP Diliman academe at workers para gunitain ang mga namatay.

Ayon sa grupo, hindi engkwentro ang nangyari noong Pebrero 24, 2022 sa New Bataan Davao De Oro kung 'di massacre sa dalawang guro at tatlong Lumad.

ADVERTISEMENT

Sa aktibidad nitong Biyernes, nanawagan ng hustisya para sa tinatawag nilang New Bataan 5 ang sigaw ng mga dumalo. Isa rito ang Lumad na si Christine Odot ng Save Our School Network at grupong Sabokahan.
Isa sila sa mga natulungan ni Booc.

“Nakasama namin sila so mas nakilala namin sila na mabuting tao. Mabuting guro dahil wala po silang iba na hangad kundi matuto kami. Wala po silang ibang hangad kundi mag-volunteer na tumuro sa mga Lumad dahil nga sa kakulangan ng pagtugon sa estado ng usapin sa edukasyon sa mga Lumad, dahil palagi nga nilang rason, malayo daw yung community naming mga lumad” ani Christine.

Ayon kay Propesor Jose Monfred Sy ng University of the Philippines Diliman, isang taon na ang nakakaraan pero tila hindi pa rin umuusad ang kaso.

“Sinasabi na sila daw ay mga terorista na nandon daw para magspread ng terrorism or something sa community na wala namang katunayan, dahil at that time, nagkakaroon naman ng community missions ang Save Our School Network with other indigenous peoples rights organization para makapagtayo pa ng mga alternative schools duon sa mga communities in Mindanao na hindi naaabot ng Department of Education," ani Sy.

"Kaya sobrang nakakagalit siya kasi talagang hindi nila deserve na sila yung kunin."

ADVERTISEMENT

Nanawagan din ang grupo sa mga guro at estudyante na ituro sa kabataan kung gaano naging bayani ang mga napaslang.

Produkto ng UP Diliman ang napatay na si Booc na, ayon sa grupo, pinili na magsilbi sa mga katutubong Lumad.

Isang taon na ng mapaslang ang mga ito sa umanoy engkwentro sa pagitan ng mga rebelde at sundalo.

Pero para sa indigenous peoples advocate, walang nangyaring engkwentro at kusang pinaslang ang mga biktima. Isa sa mga ginawa ng grupo ang pagalay ng bulaklak sa mga itinanim na puno sa loob ng UP campus bilang pag-alala sa NB 5.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.