Lolo na 'tulak' ng droga timbog sa Iloilo City

ABS-CBN News

Posted at Feb 24 2019 06:41 PM

Arestado ang isang 61 anyos na lalaki matapos mabilhan ng droga sa isang buy-bust operation sa Iloilo City nitong Linggo ng hapon.

Ayon sa Mandurriao police drug enforcement unit, nabilhan nila ng hinihinalang shabu ang suspek na si Norberto Prevendido Sr. sa halagang P4,000.

Isa pang bulto ng shabu ang nakuha matapos ang search na ginawa ng mga operatiba sa lolo.

Dalawang linggo ang surveillance sa suspek bago ikinasa ang operasyon.

Si Prevendido ay kapatid umano ni Richard Prevendido, na kinilala ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) bilang isang drug group leader. Kapatid din ng suspek ang pinaslang na barangay chairman na si Remia Prevendido-Gregori.

Depensa naman ng suspek, wala siyang kinalaman sa ilegal na droga.

Dating kagawad si Prevendido bago magretiro.


—Ulat ni Regi Adosto, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.