3 estudyante umaakyat ng puno para ma-text ang guro pinuri ng netizens | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
3 estudyante umaakyat ng puno para ma-text ang guro pinuri ng netizens

ABS-CBN News
Published Feb 23, 2021 11:45 AM PHT

Pinuri sa social media ang 3 estudyante sa bayan ng Libacao, Aklan na umakyat ng puno para makasagap ng signal, para makapag-text sa guro sa gitna ng modular distance learning.

Nai-post sa Facebook ni Bituin Suganob, guro sa Alfonso Xll National High School, ang retrato ng 3 estudyante sa taas ng puno.

Ayon kay Suganob, pinasa sa kaniya ng dating estudyante ang retrato ng kaniyang mga Grade 11 student na nagtitiyagang makasagap ng signal ng cellphone para maka-update sa kaniya ng kanilang module.

Malayo sa bayan ang mga bata at pahirapan ang signal sa lugar.

ADVERTISEMENT
Ayon kay Suganob, pinost niya ang retrato dahil naantig siya sa pagsisikap ng kaniyang mga estudyante.

Hangad umano ng guro ang kaligtasan ng mga bata at hindi rin daw niya hinihikayat ang mga estudyanteng gayahin ito dahil delikado ito.

Nai-post din sa Facebook page ng isang local radio station sa Aklan ang retrato, na umani ng libo-libong reactions at higit 300 shares.

Ipinatupad ang distance learning ngayong taon habang ipinagbabawal ang face-to-face classes sa mga paaralan bunsod ng COVID-19 pandemic.

Bagaman malakas ang panawagang gawing ligtas ang mga paaralan at ibalik ang face-to-face classes, kahit limitado lamang, hindi pa rin ito pinayagan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa Malacañang, hindi pabor si Duterte sa pagbabalik ng face-to-face classes dahil nais ng pangulo na mailunsad muna ang COVID-19 vaccination program.

– Ulat ni Rolen Escaniel
FROM THE ARCHIVES:
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
rehiyon
regions
regional news
Libacao
Aklan
distance learning
distance learning challenges
education
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT