Estudyanteng pauwi ng bahay, binaril sa ulo | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Estudyanteng pauwi ng bahay, binaril sa ulo

Estudyanteng pauwi ng bahay, binaril sa ulo

Dynah Diestro,

ABS-CBN News

Clipboard

Isang basyo ng bala ang natagpuan ng awtoridad sa lugar kung saan binaril ng di pa kilalang salarin ang estudyanteng si Arah Cagatan sa Katipunan, Zamboanga del Norte nitong Huwebes, Pebrero 22, 2018. Dynah Diestro, ABS-CBN News

KATIPUNAN, Zamboanga del Norte - Agaw-buhay sa pagamutan ang isang 21-anyos na estudyante matapos na barilin sa ulo ng di pa kilalang salarin nitong Huwebes.

Nakatakdang sumailalim sa operasyon ngayong araw si Arah Cagatan sa isang ospital sa Dipolog City.

Naglalakad umano pauwi galing sa paaralan si Cagatan, kasama ang nakababatang kapatid na lalaki, nang bigla na lamang siyang binaril sa ulo ng salarin na mabilis din tumakas sakay ng motorsiklo.

Ayon sa isang nakakita sa insidente, naka-bonnet umano ang bumaril sa biktima at inabangan siyang dumaan sa lugar. Nag-deklara muna ito ng hold-up bago binaril ang biktima.

ADVERTISEMENT

Pero naniniwala ang pamilya Cagatan na hindi iyon isang ordinaryong insidente lamang ng pangho-holdap.

Binanggit umano ni Arah sa kaniyang amang si Bonifacio Sr., na nakatanggap siya ng text messages ng pagbabanta sa kaniyang buhay.

Sabi ng kaniyang ama, inakusahan umano si Arah na responsable sa pagkamatay ng kaniyang boyfriend sa pamamagitan ng kulam. Namatay ang boyfriend ni Arah nitong nakaraang linggo.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya para matukoy at agad na maaresto ang salarin sa likod ng pamamaril.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.