1 patay, 2 sugatan sa pananambang sa Tondo | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

1 patay, 2 sugatan sa pananambang sa Tondo

1 patay, 2 sugatan sa pananambang sa Tondo

Angel Movido,

ABS-CBN News

 | 

Updated Nov 07, 2019 05:15 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA (UPDATE) - Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos tambangan ang isang AUV sa Tondo dito sa siyudad Biyernes ng umaga.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Manila Police District (MPD) Station 7, inabangan ng apat na gunman ang pagdaan ng AUV sa kanto ng New Antipolo Street corner Solis Street saka niratrat ang sasakyan.

Binawian ng buhay ang driver ng AUV na si Christopher Rolloque habang nilalapatan ng lunas. Tinamaan naman ng bala sa paa ang executive officer ng isang barangay sa Malabon na si Harold Wilford Padilla. Ligtas naman ang asawa ni Padilla na nakasakay sa likod ng AUV.

Tinamaan din ng ligaw na bala ang isang tricycle driver.

ADVERTISEMENT

Wasak ang harapan ng AUV matapos bumangga sa poste. Basag din ang mga salamin sa kanang bahagi nito dahil sa mga tama ng bala.

Iniimbestigahan ng pulisya kung may kinalaman sa pagtakbo sa eleksiyon ang motibo sa pamamaril.

"Initially is nakapagpaputok pa 'yung biktima kung saan 'yung mga suspek is nagpulasan na rin. Dahil nga papalapit na [ang] eleksiyon, 'yun tinitingnan natin, isa [pa] is sa negosyo saka away pamilya," ani Supt. Jerry Corpuz, hepe ng MPD Station 7.

Nakuha mula sa crime scene ang hindi pa matukoy na bilang na basyo ng bala mula sa isang 9mm at caliber .45 na baril at isang shotgun.

Kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa Jose Reyes Memorial Medical Center at Metropolitan Medical Center sa Sta. Cruz, Maynila ang mga biktima.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.