Pagpapahid ng abo sa noo sa Ash Wednesday, balik na ulit | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pagpapahid ng abo sa noo sa Ash Wednesday, balik na ulit

Pagpapahid ng abo sa noo sa Ash Wednesday, balik na ulit

ABS-CBN News

 | 

Updated Feb 22, 2023 09:58 PM PHT

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

Ibinalik na ang nakaugaliang pagpapahid ng abo sa noo ngayong Ash Wednesday, matapos itong matigil noong mga nakaraang taon dahil sa banta ng COVID-19.

Hindi tulad noong kasagsagan ng pandemya na ibinubudbod lang sa ulo ang abo, ibinalik na ang tradisyonal na pagpapahid ng abo sa noo sa paggunita ng Ash Wednesday, na hudyat ng pagsisimula ng 40 araw na Kuwaresma.

Kaya naman maraming deboto ang nasabik sa kanilang pagsisimba sa Quiapo Church sa Maynila.

"Maluwag na po sa puso namin. Nasisiyahan kami na lahat ng tradisyon naibabalik na," anang deboto na si Oliver Cabunilas.

ADVERTISEMENT

"Sana tuloy-tuloy na ito, mawala na 'yong virus na 'yan," sabi naman ni Marnel Peñalosa.

Nagpaalala ang Quiapo Church sa mga deboto na kasabay ng pagpahid ng abo sa noo, dapat na ring simulan ang pagninilaynilay, pangungumpisal at pag-aayuno bilang paghahanda sa Pasko ng Pagkabuhay.

"Hindi lang po ito paglalagay o pagpapahid ng abo. Bukod sa mayamang kahulugan noon e kinakailangan din natin na simulan 'yong Kuwaresma sa pamamagitan ng pagdiriwang ng banal na misa," ani Fr. Earl Allyson Valdez, attached priest ng Quiapo Church.

Mahigpit pa ring nasusunod ang protocol tulad ng pagsusuot ng face mask at physical distancing sa loob at paligid ng simbahan, habang may nakaabang ding alcohol para sa mga deboto.

Dinagdagan din ang mga pulis at volunteer para matiyak ang kaayusan at seguridad ng mga deboto.

Napuno rin ang Manila Cathedral ng mga dumalo sa misa na pinangunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula nitong tanghali ng Miyerkoles.

Sumentro ang homily ni Advincula sa pagbibigay paalala sa mga Katoliko na taimtim na magdasal at mag-ayuno.

Sa San Jose Sico Elementary School sa Batangas City at Sulivan National High School sa Baliuag, Bulacan, nagkaroon rin ng misa at nagpahid ng abo sa noo ng mga estudyante, faculty at ilang magulang.

Isang misa rin ang idinaos sa simbahan sa Barangay Poblacion sa Daanbantayan, Cebu. Binasbasan at pinahiran ng abo sa noo ang mga dumalo sa misa.

— Ulat ni Raya Capulong, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.