3 sugatan sa pagsalpok ng van sa EDSA busway | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
3 sugatan sa pagsalpok ng van sa EDSA busway

ABS-CBN News
Published Feb 22, 2023 03:16 PM PHT

Duguan at namimilipit sa sakit ang tatlong lalakeng sakay ng isang van matapos sumalpok sa bus habang binabaybay ang bahagi ng EDSA Bus Carousel lane sa may EDSA-Centris pasado alas-10 ng gabi ng Martes.

Wasak na wasak ang harapan ng van at basag din ang windshield.

Pahirapan din ang paghugot mula sa van sa tatlong biktima na agad isinugod sa ospital.

"'Yung driver nakayuko na po siya nakahawak na sa manibela at duguan siya at nakita ko naipit yung paa niya at bali po yung isang paa," ani MMDA Traffic Enforcer Berchman Hidlao.

ADVERTISEMENT
"Tapos yung front seat passenger niya naipit rin, bali na rin yung paa niya. Yung isa naman nasa likod nauntog, dugo yung mukha niya," dagdag niya.

Sa paunang imbestigasyon, binangga ng van ang pampasaherong bus. Sa lakas ng impact, bumangga rin ang bus sa isa pang bus na nasa harapan nito.

Wala namang nasugatan sa mga pasahero.
Wala namang nasugatan sa mga pasahero.
Kwento ng konduktor, nakahinto sila dahil nakapila ang mga bus malapit sa Quezon Avenue station nang biglang sumalpok ang van.

"Medyo pababa po siya. Naka-preno po yung driver ko kasi sunod-unod kami. As in parang may sumabog sa likod tapos may umusok na po sa loob tapos nag hysterical na po mga pasahero," ayon sa konduktor na si Shernel Cruz.

Patuloy na iniimbestigahan ang insidente.

-- Ulat ni Larize Lee, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT