300 bahay, nasunog sa Mandaluyong; 1,000 pamilya, apektado | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

300 bahay, nasunog sa Mandaluyong; 1,000 pamilya, apektado

300 bahay, nasunog sa Mandaluyong; 1,000 pamilya, apektado

ABS-CBN News

 | 

Updated Feb 23, 2019 12:06 AM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA (2nd UPDATE) - Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Barangay Addition Hills, Mandaluyong City nitong Biyernes ng hapon.

Itinaas na sa ika-5 alarma ang sunog alas-5:23 ng hapon. Idineklara itong fire out alas-10:15 ng gabi.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), gawa sa light materials ang mga bahay kaya mabilis lumaki ang apoy.

May bombero at 4 iba pa ang nilapatan ng lunas sa sunog. Nahilo si SFO2 Luciano Regis ng Mandaluyong-BFP habang nag-aapula ng apoy.

ADVERTISEMENT

May isang 14-anyos na babae namang nag-hyperventilate, isang 47-anyos na babaeng tumaas ang presyon, at isang babaeng nasugatan sa siko at paa.

Higit kumulang nasa 300 bahay ang tinupok habang nasa 1,000 pamilya ang tinatayang apektado sa insidente.

--Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like youā€™re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.