Kagubatan patungong Mount Ulap, nasunog | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Kagubatan patungong Mount Ulap, nasunog

Kagubatan patungong Mount Ulap, nasunog

Marianne Claire Reyes,

ABS-CBN News

Clipboard

Kuha ni Noel Gapasin

Nasunog nitong Martes ang nasa 5 hektaryang parte ng kagubatan papuntang Mt. Ulap dahil umano sa kapabayaan ng beehive hunters.

Ang dating madamo at masiglang parte ng kagubatan, naging lupa na nabababalutan ng abo.

Nahirapan umano ang mga bumbero na pumunta sa lugar dahil nasa 3 metro lang ang lawak ng kalsada papasok doon.

"Di makalapit ang aming firetruck kasi masikip 'yung kalsada namin, so ginawa namin nag-suppress kami ng kahoy at sanga hanggang dumating 'yung Philex, nag-lay-out kami ng mahigit 30 na fire hose tsaka namin naabutan 'yung sunog," ani Sr. Insp. Marlon Chomling, municipal fire marshall ng Itogon, Benguet.

ADVERTISEMENT

Sa inisyal na imbestigasyon, itinuturong salarin ang 5 hanggang 6 na honeybee-hive hunters.

“Meron kaming na-interview na nagsasabing may nakitang individuals na naghahanap ng beehive honey bee, gumamit sila ng panunog para mataboy ('yung bubuyog at) makuha 'yung honey. Due to negligency, lumaki 'yung sunog, di nila napatay," ani Chomling.

Tumakas daw ang mga salarin at tumakbo papuntang Camp 4, Tuba, Benguet. Patuloy ang imbestigasyon para matukoy ang beehive hunters.

Ngayong pagpasok ng taon, 6 na ang naitalang forest fire sa Itogon, Benguet.

Kaya paalala ng mga bumbero, lalo na at malapit na ang tag-init, iwasan na ang pagdadala ng butane o anumang maaaring magdulot ng sunog.

Ito rin kasi ang naging dahilan ng nakaraang sunog naman sa Mt. Pulag.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.