Hikers na nakasunog sa Mt. Pulag posibleng pagmultahin ng P18-M | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Hikers na nakasunog sa Mt. Pulag posibleng pagmultahin ng P18-M

Hikers na nakasunog sa Mt. Pulag posibleng pagmultahin ng P18-M

Justin Aguilar,

ABS-CBN News

Clipboard

BENGUET - Pormal nang inireklamo sa Benguet Prosecutor's Office ang grupo ng mountaineers na nasa likod ng malaking sunog sa Mt. Pulag sa Benguet nitong nakaraang buwan.

Nahaharap ngayon sa reklamong paglabag sa Forest Code Of The Philippines ang mountaineering group na posibleng pagmultahin ng P18 milyon dahil sa kanilang nagawa.

Ayon sa Mt Pulag National Park, aabot sa P2.3 milyon ang halaga ng pinsalang idinulot ng malaking sunog sa 5.9 ektaryang bahagi ng bundok na dinadayo dahil sa "sea of clouds."

"Upon inventory, na-compute po namin o na-estimate. 'Yung plants ng bamboo costing P50. Ang estimated cost po natin ay 2.3 million pesos (ang napinsala),” ani Supt. Teber Dionisio ng Pulag.

ADVERTISEMENT

Pero ayon sa Forest Code, 8 beses na halaga ng pinsala ang dapat bayaran ng mapapatunayang lumabag sa batas. Hanggang 6 na taong pagkakakulong din ang puwedeng ipataw sa kanila.

"Pag nakasuhan sila, pagbabayarin na lang sila. Pero korte na ang may desisyon noon," paliwanag ni Ralph Pablo, direktor ng Department of Environment and Natural Resource sa Cordillera.

Una nang humingi ng tawad ang grupo sa anila'y hindi sinasadyang pagkasunog sa bahagi ng bundok. Kuwento nila, magsasaing sana sila nang biglang magliyab ang kanilang kalan.

Sa taranta, inihagis ng isang miyembro ng grupo ang butane gas at nagsimula ng apoy na tumupok sa damuhang malapit sa lugar.

Nakipagpulong na ang DENR sa mga tauhan ng Bureau of Fire Protection sa fire station sa lugar at pinag-aaralan ang posibilidad na ipagbawal ang butane gas sa mga aakyat ng Pulag.

Bubuo na rin ang ahensiya ng isang technical working group na babalangkas sa mga bagong probisyong ipatutupad para sa mga trekkers ng bundok.

Sa ngayon, isinara muna ang Akiki Trail na papunta sa Saddle Camp at tuktok ng Pulag para mabigyan ng sapat na panahon ang mga dwarf bamboo na tumubong muli.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.