TINGNAN: Bahagi ng Mt Pulag, nasunog dahil sa nagliyab na kalan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
TINGNAN: Bahagi ng Mt Pulag, nasunog dahil sa nagliyab na kalan

Justin Aguilar,
ABS-CBN News
Published Jan 22, 2018 01:01 PM PHT

Nasa mahigit 100 hikers ang hindi pinahintulutang makaakyat hanggang sa summit ng Mt. Pulag matapos sumiklab ang isang forest fire pasado alas-3 ng hapon noong Sabado.

Ang itinuturong sanhi ng sunog ay ang dalang butane gas stove ng isang grupo ng hikers mula Cebu. Nakiusap ang mga itong huwag banggitin ang kanilang mga pangalan.

Kwento nila, magsasaing sana sila ng bigas nang bigla na lamang nagliyab ang kanilang kalan. Sa taranta, inihagis ito ng isang miyembro ng grupo na nag-umpisang tumupok sa damuhang malapit sa lugar.

"We apologize for what had happened. Hindi talaga namin ginusto yun, at sana po yung leave no trace na hashtag sana masuod rin," ani alyas 'Robin', miyembro ng grupo ng hikers na may dala sa portable stove.

Tumagal ng halos 8 oras bago naapula ang apoy, pasado alas nuebe na ng gabi noong Sabado. Nasa 1.5 ektarya ang nasunog na bahagi ng bundok.

Sa imbestigasyon ng Kabayan Fire Station, bukod sa malakas na hangin, naka-ambag rin sa mabilis na pagkalat ng apoy ang mga lata ng butane na nakasiksik sa mga damuhan. Duda nila, iniiwan ito ng mga turistang nagka-camp sa area.

Ayon sa mga pulis, maituturing na arson by negligence ang nangyari o paglabag sa Republic Act 9514 o “Fire Code of the Philippines of 2008”.

Suspendido pa rin ang pagpapa-akyat sa mga turista sa tuktok ng Mt. Pulag hanggang nitong Lunes. Para sa mga naka-book sa mga susunod na araw, pansamantala muna silang ihahatid sa Four Lakes.

Taong 2000 nang huling may maitalang kaso ng forest fire sa Mt Pulag.