900 pasahero ng MRT pinababa sa Guadalupe station dahil sa sirang tren

Patrick Quintos, ABS-CBN News

Posted at Feb 21 2018 09:14 AM | Updated as of Sep 30 2018 11:50 AM

Muli na namang nagpababa ng pasahero ang MRT nang masira ang isa nitong tren Miyerkoles, bandang alas-8:40 ng umaga. 

Ayon sa Department of Transportation, aabot sa 900 pasahero ang pinababa sa northbound ng Guadalupe Station. 

May dumating naman umano sa estasyon na panibagong tren bandang 8:49 ng umaga para isakay ang mga pasahero.

Nagkaroon umano ng electrical failure ang motor ng tren, gayun din nasira ang diagnostic panel nito. 

Iniimbestigahan na ang insidente na bunsod ng luma at sira-sira nang mga bahagi ng tren na nakatakda nang palitan.