Nailigtas na Philippine eagle, nai-turn over na sa PH eagle center | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Nailigtas na Philippine eagle, nai-turn over na sa PH eagle center

Nailigtas na Philippine eagle, nai-turn over na sa PH eagle center

ABS-CBN News

Clipboard

Larawan mula sa CENREO 2B, Lanao del Sur.
Larawan mula sa CENREO 2B, Lanao del Sur.

Inilipat na ang isang nailigtas na Philippine Eagle sa Philippine Eagle Center sa Davao City nitong Pebrero 12.

Naligtas ang Philippine Eagle noong Pebrero 9 sa bayan ng Marogong sa Lanao del Sur at dinala sa Community Environment, Natural Resources, and Energy Office (CENREO) para sa first-aid treatment.

Batay sa initial observation ng Department of Environment and Natural Resources Region 9, ang agila ay may wingspan na 51 centimeters at timbang na limang kilo.

May nakitang bone fracture o bali sa buto sa kanang pakpak ng agila, at may nawawala ring balahibo rito.

ADVERTISEMENT

Pinangalanan ng mga awtoridad ang Philippine Eagle na si “Bangsa Bae” bilang pagkilala sa kababaihan ng Bangsamoro.

“It is also to commemorate the significant efforts and sacrifices of the mothers, wives, and daughters of the Mujahideens (freedom fighters) of the Bangsamoro people,” ayon sa pahayag ng Ministry of Environment, Natural Resources, and Energy ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Ayon kay CENREO officer Benjamin Alangca, maaring may nesting site sa bandang Mt. Kalantimon sa Lanao del Sur ang agila.

Nagpaalala ang mga awtoridad sa publiko na ipinagbabawal ang pangangaso at bawal ring saktan ang mga Philippine Eagle, batay sa Republic Act 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act.

—Ulat ni Hernel Tocmo

KAUGNAY NA ULAT:

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.