Paggamit ng ‘sablay’ sa halip na toga sa elementary, HS graduations iminungkahi | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Paggamit ng ‘sablay’ sa halip na toga sa elementary, HS graduations iminungkahi

ABS-CBN News
Published Feb 20, 2020 01:25 PM PHT
|
Updated Feb 20, 2020 10:07 PM PHT

MAYNILA —Iminungkahi ng isang opisyal ng Department of Education (DepEd) ang paggamit ng “sablay” sa halip ng nakasanayang toga sa mga graduation ceremony sa elementary at high school.

Layon ng paggamit ng “sablay” sa mga graduation ang pagtanim ng “patriotism” at “nationalism” o pagiging makabayan sa mga mag-aaral, base sa isang aide memoire o buod ng panukalang inilabas noong Miyerkoles ni Education Undersecretary Alain Pascua.

Ibinahagi ni Pascua sa Facebook post ang aide memoire matapos umano itong ma-leak sa social media noong Martes.

Bukod sa pag-promote ng lokal na kultura, naniniwala rin umano si Pascua na ang paggamit ng “sablay” sa graduation ay makatutulong sa mga katutubo at magbibigay ng trabaho sa mga weaver o manghahabi.

Katuwiran din ni Pascua na ang paggamit ng toga, na nakuha umano sa mga kanluraning kultura, ay hindi Filipino at hindi nagbibigay ng katapatan sa bansa.

Sa halip, nagsisilbi raw ang toga na paalala sa kolonyal na nakaraan ng bansa.

Bukod doon, ang pag-arkila o pagbili ng toga ay dagdag-gastos para sa mga magulang.

Pero sa kaniyang Facebook post, nilinaw ni Pascua na hindi pa niya natatalakay ang panukala kasama ang ibang opisyal ng ahensiya.

“The Aide Memoire has yet to be discussed at the Execom-Mancom levels and remains a proposition,” ani Pascua.

“One positive outcome though of the leak was that we were able to glean at the public’s sentiment towards the proposal, which has been favorable and very welcoming,” aniya.

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
Department of Education
sablay
toga
graduation
elementary school
high school
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT