PAGASA nagbabala sa nakaambang pinsala ng El Niño | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

PAGASA nagbabala sa nakaambang pinsala ng El Niño

PAGASA nagbabala sa nakaambang pinsala ng El Niño

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Ngayon pa lang ay nagbabala na ang state weather bureau PAGASA sa magiging epekto ng El Niño sa bansa sa mga susunod na buwan.

Ayon sa ahensiya, di tulad ng ibang kalamidad ay tahimik pero mapanira ang epekto ng El Niño, tulad ng naranasan noong 2016 kung saan walong probinsiya at 12 lungsod ang isinailalim sa state of calamity dahil sa epekto nito.

Kaya naman ngayon pa lang, naglabas na ang PAGASA ng babala sa posibleng maging epekto ng tagtuyot sa mga susunod na buwan.

Sa ngayon, "weak El Niño" pa lang ang nakikita ng mga dalubhasa. Ibig sabihin ay di pa ganoon kalawak ang epekto nito sa bansa.

Bandang Mayo, tinatayang may 33 probinsiya ang magkakaroon ng tinatawag na "meteorological drought" o mas kaunting ulan kaysa sa normal.

Ayon sa PAGASA, kailangan i-monitor ng mga lokal na pamahalaan ang magiging epekto ng tagtuyot sa kanilang mga nasasakupan.

Ang Bohol, halimbawa, nag-request na ng cloud seeding sa gobyerno. May epekto rin kasi ang mas kaunting ulan sa agrikultura, sa mga dam, at sa enerhiya.

ADVERTISEMENT

Mas kaunti ang bagyong tatama sa Pilipinas sa naturang panahon pero kapag may pumasok ay asahan nang magiging malakas ito.

Patuloy na magbibigay ng impormasyon ang PAGASA tungkol sa El Niño sa mga susunod na linggo para makapaghanda ang bansa sa posibleng maging epekto nito.

—Ulat ni Jeff Canoy, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.