Turista, hinoldap ng drayber ng sinakyang taxi | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Turista, hinoldap ng drayber ng sinakyang taxi

Turista, hinoldap ng drayber ng sinakyang taxi

Anjo Bagaoisan,

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 03, 2019 04:47 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Isang babaeng Chinese tourist ang hinoldap ng drayber ng sinakyan nitong taxi sa Makati City Lunes ng gabi.

Nawalan ng P20,000 ang 20-anyos na biktima na isang linggo pa lang nagbabakasyon sa Pilipinas.

Kuwento ng kaibigan ng biktima, sumakay ng taxi ang babae sa Ayala Ave.

Nang tumigil sila sa may Arnaiz Ave., tinutukan ng drayber ng kutsilyo ang biktima at nagdeklara ng holdap.

ADVERTISEMENT

Nang makuha ng drayber ang pera, binuksan ng babae ang pinto ng taxi at sumigaw ng tulong.

Doon muling nagpatakbo ang taxi papuntang Pasay City kahit pabukas-sarado ang pinto nito sa likuran.

Napatigil lang ang taxi sa kanto ng Arnaiz Ave. at Burgos Ave. nang masagi nito ang isang AUV na nakatigil sa traffic light.

Bago iyon, natamaan din ng taxi ang side mirror ng isa pang kotse.

Tumakbo papalayo ang drayber. Hinabol siya ng mga pulis pero hindi na siya naabutan.

Narekober mula sa taxi ang 5 identification cards na may iba't ibang pangalan at mukha ng driver.

Isa sa mga ito ang kinilala ng biktima na siyang nangholdap sa kaniya.

Nakuha rin ang 8-pulgadang kutsilyong pinantutok sa babae at ilang pang gamit ng drayber.

Iniimbestigahan na ng Makati police ang insidente habang inireport naman sa Pasay Traffic Investigation Unit ang mga nadamay na sasakyan.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.