Lalaki arestado sa pagnanakaw ng cellphone sa Malate, Maynila | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalaki arestado sa pagnanakaw ng cellphone sa Malate, Maynila

Lady Vicencio,
ABS-CBN News
Published Feb 19, 2021 04:51 AM PHT

MAYNILA - Arestado ang isang pedicab driver na suspek sa pagnanakaw ng cellphone ng tindero ng isda Huwebes.

Kinilala siyang si Alfredo Miranda, 30 anyos at residente rin sa San Andres, Malate, Maynila.

Siya ang itinurong nagnakaw sa cellphone na inilapag sa puwesto ng biktima bago matulog.

Nakunan sa CCTV ng Barangay 740 na pabalik-balik sa pwesto ang suspek na tila nagmamanman.
Nakunan sa CCTV ng Barangay 740 na pabalik-balik sa pwesto ang suspek na tila nagmamanman.
ADVERTISEMENT
Dahil dito, nakilala ang ang lalaki at naaresto ng awtoridad.

Ayon kay Barangay 740 Chairman Arturo Mariano, Jr., marami nang reklamong pagnanakaw laban sa suspek maging sa mga karatig-barangay.

Kaya hinihikayat nila ang iba pang nabiktima ng suspek na makipag-ugnayan sa mga pulis.

Aminado rin si Miranda sa pagnanakaw at itinuro kung saan niya ibinenta ang cellphone kaya na-rekober pa ito.

Kasong pagnanakaw ang isinampa laban sa kanya.