Demolisyon ng mga bahay sa Las Piñas compound nauwi sa gulo | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Demolisyon ng mga bahay sa Las Piñas compound nauwi sa gulo

ABS-CBN News
Published Feb 18, 2021 05:33 PM PHT
|
Updated Feb 18, 2021 11:30 PM PHT

MAYNILA – Nauwi sa tensiyon at gulo ang demolisyon sa Castillo Compound sa Barangay Talon Dos, Las Piñas City, na pinangunahan mismo ng lokal na pamahalaan nitong Huwebes ng umaga.

Dumating ang demolition team ng Las Piñas LGU at gigibain na sana ang nasa 10 bahay na nakatirik sa lupang sinasabing pagmamay-ari ng lokal na pamahalaan.

Pero pumalag ang mga residente at tumangging ipagiba ang mga bahay nila. Nauwi sa batuhan ang insidente.

Ayon sa ilang residente roon, 6 na dekada silang nakatira roon at caretaker ang kanilang ama sa lupa na iyon.
Ayon sa ilang residente roon, 6 na dekada silang nakatira roon at caretaker ang kanilang ama sa lupa na iyon.
ADVERTISEMENT
May ilang walang nagawa nang gibain ang bahay pero may ilan na sinabing lalaban hanggang sa huli.

Meron din namang ilang pumayag na i-relocate pero may iba na sinabing doon pa rin titira sa bangketa.

Ayon sa LGU, may paglilipatan naman ang mga residente na sa loob din ng Las Piña.

Gagamitin daw ang lupa upang tayuan ng eskuwelahan.

Binigyan din ng cash assistance ang mga nawalan ng tirahan.

–Ulat ni Jeck Batallones, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPh
Tagalog news
balita
Las Piñas
demolisyon
demolition
LGU
housing
informal settlers
pandemic demolition
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT