Mga lider ng Simbahang Katoliko may paalala sa tamang pagpili ng kandidato | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga lider ng Simbahang Katoliko may paalala sa tamang pagpili ng kandidato

Mga lider ng Simbahang Katoliko may paalala sa tamang pagpili ng kandidato

ABS-CBN News

 | 

Updated Feb 17, 2022 08:51 PM PHT

Clipboard

Nag-
Nag-'alay lakad' nitong Pebrero 17, 2022 ang Manila Archdiocese para ipagdasal ang mga botanteng pipili ng mga bagong lider ng bansa sa darating na halalan. Raya Capulong, ABS-CBN News

Nagsagawa ngayong Huwebes ng penitential walk o "alay lakad" ang Manila Archdiocese para ipagdasal ang mga botante sa pagpili ng mga bagong lider ng bansa sa Halalan 2022.

Isinagawa ang penitential walk sa kaparehong araw ng paggunita sa ika-150 na anibersaryo ng pagiging martir ng tatlong pari na sina Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora, o ang GomBurZa.

Bago ang alay lakad, isang misa ang isinagawa na pinangunahan ni Cardinal Jose Advincula.

Sa kaniyang homily, binigyang diin ni Cardinal Advincula ang tatlong katangiang taglay aniya ng mga paring martir: ang pagiging maka-Diyos, payak, at makabayan. Dapat umanong pamarisan ng lahat ang mga katangiang ito.

ADVERTISEMENT

Nananawagan din Cardinal Advincula sa mga botante na pag-isipang mabuti ang mga pipiliing lider sa darating na halalan.

Iginiit naman ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani na dapat pagsisihan ng mga tao ang kanilang mga pagkakasala.

Maipapakita aniya ang pagsisisi sa pagbabago ng ugali, na sasalamin din sa pagpili sa lider.

Ayon kay Bacani, kung maka-Diyos at makabayan ang isang tao ay pipili ito ng tamang lider tulad ng GomBurZa.

Mula sa Manila Cathedral, naglakad patungo sa GomBurZa memorial marker sa Rizal Park ang mga pari at saglit na nag-alay ng dasal.

Sa Shrine of Nuestra Señora de Guia sa Ermita nagtapos ang kanilang alay lakad.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.