Ilang nakahilig na poste ng Meralco, inireklamo | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ilang nakahilig na poste ng Meralco, inireklamo

ABS-CBN News
Published Feb 17, 2018 09:02 PM PHT
|
Updated Aug 28, 2019 03:23 PM PHT

Minabuti ng "Tapat Na Po" na gumawa ng isang report tungkol sa mga reklamo sa mga nakahilig na poste dahil maraming konsumer ang nagpaabot ng pangamba sa peligrong dulot nito.

Sa tapat ng bahay ni Irish Lobarbio, may nakahilig na poste ng Meralco kaya natatakot siyang tuluyang bumagsak ito anumang oras.

"Nagtuturuan sila, sa may cable daw 'yan ire-report. Noong ini-report nga namin sa cable, sabi sa cable sa Meralco naman daw," hinaing ni Lobarbio.

Pareho rin ang sitwasyon ng poste sa isang lugar sa Parañaque na pinangangambahan ding magdulot ng disgrasya.
Pareho rin ang sitwasyon ng poste sa isang lugar sa Parañaque na pinangangambahan ding magdulot ng disgrasya.
ADVERTISEMENT
"Ang concern namin ay any time baka bumagsak siya, may matamaang tao, tamaang sasakyan," pangamba ni Jun Hernandez, presidente ng Mary Help of Christians Homeowners’ Association.

Ayon naman sa residenteng si Fred Ramos: "Any time puwedeng bumigay 'yan kasi sa lagay niya kitang kita naman na putol na halos 'yung poste."

Laking pasalamat naman ng mga residente sa Bulakan, Bulacan matapos malagyan ng bago ang katabing sirang poste na matagal na ring nakahilig.

"Sana po next time huwag na siyang tumagal kasi po marami din naman po kasing naaaksidente talaga," ayon kay Teresita Gloria, residente.

Giit naman ni Narciso Dela Cruz, kapitan ng lugar: "Ni-report namin 'yan through Sangguniang Bayan last August 2017. So ang tagal nang aksyon ng Meralco."

Paliwanag ng Meralco, sinusuri pa kasi ng technical experts nila kung kailangan nang palitan ang mga poste.

"Kasi 'yung pagpapalit will also entail some sort of a inconvenience on the part of the customer dahil magkakaroon ng pre-arranged power interruption," paliwanag ni Joe Zaldarriaga, tagapagsalita ni Meralco.

Umapela ang Meralco na i-report agad sa kanila ang mga posteng may problema para masuri kung kinakailangan na itong palitan.

"Kung may napapansin po kayong mga facilities natin na sa tingin ninyo ay kailangan tugunan at bigyang-aksyon, itawag niyo lamang po 'yan sa aming call center, telepono bilang 16211," ani Zaldarriaga.

Sa mga konsumer na nais magpadala ng reklamo, mag-post lamang po sa "Tapat Na Po" Facebook page.

--Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPh
Tagalog news
TV Patrol
Tapat Na Po
konsumer
consumer
Meralco
electricity
poste
Joe Zaldarriaga
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT