Bakas ang pinsala sa mga apektadong lugar ng magnitude 6 na lindol na yumanig sa ilang parte ng Masbate nitong Huwebes.
Isa ang sugatan at nasira ang evacuation facility, public market at Municipal Hall sa Palanas, Masbate.
Ito ang makikita sa mga larawang ibinahagi ni Bayan Patroller Chris Jo A. Adigue, officer-in-charge ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Palanas.
Ayon sa MDRRMO, sinuri nila ang mga gusali sa lugar kaninang umaga matapos ang malakas na lindol at ilang aftershocks.
Pinsalang sa mga gusali sa Palanas, Masbate matapos ang isang magnitude 6 na lindol, Huwebes. Larawan mula kay Chris Jo A. Adigue

Napiinsala rin ang ilang bahay sa San Fernando, Masbate dahil sa malakas na lindol, batay sa kuha ng mga Bayan Patroller.
Gumuho ang pader sa pagitan ng 2 kwarto sa loob ng bahay ni Chiquito Arevalo sa Barangay Daplian dala ng malakas na lindol bandang alas-2 ng madaling-araw.
Sa kuhang video naman Bayan Patroller Abner Almoete Jr., makikita na halos durog na ang semento na nakakalat sa loob ng bahay at malapit nang bumagsak ang mga haligi ng bahay.
Video mula kay Bayan Patroller Abner Almoete Jr.
Ayon kay Almoete, nagising siya nang maramdaman ang yanig ng lindol. Kasama ang pamilya, mabilis aniya siyang lumabas ng bahay.
Nabalitaan niya kalaunan na may nagibang bahay kaya pinuntahan niya at nakitang tahanan pala ito ng kanyang kumpare na si Chiquito Arevalo.
Kuwento ni Arevalo, ang gumuhong pader ay nasa pagitan ng 2 kwarto ng kanyang mga anak. Aniya, nagkaroon na din ng ilang crack sa mga pader at dingding dahil sa aftershocks. Nagpapasalamat na lang aniya siya na hindi tinamaan ng debris ang kanyang mga anak.
Sa ngayon ay sa isang barong-barong sa likod ng kanilang bahay tumutuloy si Arevalo at kanyang mga anak.
Dagdag niya, sinabihan na siya ng taga-lokal na pamahalaan na huwag munang papasok sa loob ng kanilang bahay dahil maaaring may masaktan kapag tuluyan itong gumuho.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.