'It's too early': Ilang doktor tutol sa paglabas ng mga batang 15-17 anyos | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'It's too early': Ilang doktor tutol sa paglabas ng mga batang 15-17 anyos

ABS-CBN News
Published Feb 16, 2021 01:38 PM PHT

MAYNILA - May agam-agam ang ilang pediatric at infectious disease expert sa pagpayag na lumabas ang mga batang may edad 15 hanggang 17 anyos.

Ito ay sa harap ng mga hirit ng mga Metro Manila mayor na palabasin na ang mga menor de edad na 15 hanggang 17 anyos kasama ng mga edad 18 hanggang 65.

Para kay Philippine Pediatric Society fellow Dr. Cynthia Juico, maituturing pang “super spreader ang mga bata.”

Ito ay dahil karaniwang ubo, sipon, lagnat, at pagtatae lang ang madalas na sintomas nila ng COVID-19.
Ito ay dahil karaniwang ubo, sipon, lagnat, at pagtatae lang ang madalas na sintomas nila ng COVID-19.
ADVERTISEMENT
Bukod dito, kailangan pa aniya ng gabay ng mga bata para sumunod sa minimum health standards.

“Ang mga bata kasi hindi nagsusuot ng mask, tinatanggal nila. 2 years and below bawal na bawal. Ang mga teenager naman, mag-uumpisa na naman silang magsasama-sama. Miss na nila iyon eh. Sino ba ang di nakaka-miss? Pero ang hirap. Ang pagkakasakit,” ani Juico.

Sa ilalim ng kasalukuyang pandemic protocols, mga edad 15 hanggang 65 anyos ang maaaring lumabas sa Pilipinas.

Hindi kasama rito ang Metro Manila, kung saan nagkasundo ang mga lokal na pamahalaan na ipako ang 18 anyos hanggang 65 anyos na age limit noong Oktubre.

Para kay Rontgene Solante, isang infectious disease expert, “masyado pang maaga” kung maituturing ang paglabas ng mga batang 15 hanggang 17.

Sa panayam nitong Lunes, sinabi ni Solante na bagama’t nakikita sa mga pag-aaral na mas mababa ang tsansang magka-COVID-19 ang mga teenager, tingin niya na mas delikado kung ipapares ito sa pagbubukas ng mga arcade at iba pang recreational facility.

Bukod pa rito aniya, naroon pa rin ang banta ng virus.
“Ang kaso natin it’s still 1,000 to 2,000 [araw-araw] . . . I think it’s too early to do this,” ani Solante.

Para kay Solante, mas mabuti na lang kung buksan ang mga paaralan kung papayagang lumabas ang mga kabataang may edad 15 hanggang 17.

“Ang takeaway ko diyan if we allow these 15 to 17, eh ‘di kung ganun na lang magbukas ka ng schools para ma-kontrol ang kabataan,” ani Solante.

Read More:
PatrolPH
Tagalog News
quarantine restrictions
movie theatre
doctor
pediatric expert
infectious disease expert
Rontgene Solante
Cynthia Juico
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT