95 hatchling ng pawikan, nasagip ng mga residente sa Tagum City

Chrislen Bulosan, ABS-CBN News

Posted at Feb 16 2020 09:21 PM

TAGUM CITY, Davao del Norte — Nasa 95 na hatchling ng pawikan ang sinagip ng mga residente ng Barangay Garinan sa Tagum City, Davao del Norte Linggo ng madaling araw.

Noon pang ika-24 ng Disyembre nangitlog ang pawikan sa baybayin ng barangay. Kinordonan ng mga residente ang lugar at inalagaan ang mga itlog.

Nakatakdang pakawalan ang mga ito sa dagat Linggo ng gabi.

Pinanatili ng barangay ang kalinisan ng lugar, dahil hindi lamang ito ang unang beses na may nangitlog na pawikan dito.

Plano namang gawing turtle sanctuary ang baybayin ng Barangay Garinan, dahil ilang beses ng may nangitlog na pawikan dito.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.