'Peligrosong' kable ng kuryente na nasa loob ng bahay inireklamo | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Peligrosong' kable ng kuryente na nasa loob ng bahay inireklamo

'Peligrosong' kable ng kuryente na nasa loob ng bahay inireklamo

ABS-CBN News

 | 

Updated Feb 16, 2019 08:55 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Pag-akyat sa ikalawang palapag ng bahay ni alyas "Marissa" sa Malabon City ay bubungad na agad ang mga kable ng kuryente.

Sa loob ng limang taon, paulit-ulit daw siyang humihiling sa Meralco na ilipat ang kable pero wala itong aksiyon.

"Sabi nila ililipat ang poste pero kami magpo-provide. Paano naman 'yun sir mahirap lang kami... Tapos non di na sila bumalik," hinaing ni Marissa.

Idinulog ng "Tapat Na Po" sa Meralco ang problema ni Marissa at natuklasang nagpataas pala ito ng bahay kaya nahagip ng poste. Pero depensa ng complainant, intindihan naman daw sila dahil palaging binabaha ang naturang lugar.

ADVERTISEMENT

Agad isinaayos ng Meralco ang mga kable at iniangat para hindi na maging sagabal sa bahay ni Marissa.

"Sa ngayon wala na 'yung sagabal na kable sa bahay niya. Nailipat na 'yung isang poste. Ni-retie 'yung dating poste at kinabitan ng mas matibay. Wala na rin siyang pangamba sa safety," ani Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga.

Pero kasabay nito ay nilinaw ng Meralco ang patakaran nila sa pagpapalipat ng kable at poste kapag nagpataas ng bahay.

"Talagang ang cost will be shouldered by the ones who want to transfer the facility. Unang-una kasi nandiyan na 'yan eh," paliwanag ni Zaldarriaga.

Kaya lang umano nila inilipat ang mga kable sa kaso ni Marissa dahil sa peligrong dulot nito.

Karaniwan daw kasing kinakabitan din ito ng mga nagnanakaw ng kuryente na posibleng pagmulan ng sunog.

Sa mga konsumer na nais magpadala ng reklamo, mag-post lamang sa Facebook page ng Tapat Na Po.


—Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.