Posibleng kaso ng human trafficking sa NAIA ibinulgar ni Sen. Poe | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Posibleng kaso ng human trafficking sa NAIA ibinulgar ni Sen. Poe

Robert Mano,
ABS-CBN News
Published Feb 15, 2023 08:45 PM PHT

MAYNILA — Ibinulgar ni Sen. Grace Poe sa kanyang privilege speech nitong Miyerkoles, ang isang kaso ng umano'y human trafficking sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Aniya, nakarating sa kanilang tanggapan na Lunes, Pebrero 13, ay nakatanggap ng tip ang PNP Aviation Security Group tungkol sa isang human trafficking activity kung saan sangkot ang aircraft na may tail no. N9527E na paalis ng alas-10 ng gabi pa-Dubai.

Matapos beripikahin, nakumpirma na may naka-schedule nga na flight ang nasabing eroplano sa araw at oras na iyon.

Anim ang pasahero nakadeklara pero 14 ang kabuuang sumakay sa eroplano noong gabi na iyon.

ADVERTISEMENT
Ang nasabing eroplano ay operated ng Cloud Nine No. 1 Leasing Company Limited, isang HongKong registered leasing company, at ang kanilang assigned aircraft ground handler ay isang local company, ang Globan Aviation Service Corporation o GLOBAN.

Bandang alas-5 ng hapon, sinabihan ng PNP ang mga aircraft inspector sa posibleng operasyon at mahigpit silang binilinan na wag pirmahan ang anumang dokumento hangga't hindi nai-inspect ang nasabing eroplano at ang mga sakay nito.

"Mga 9:15 p.m., tatlong foreign national crew na sakay ng dalawang GLOBAN vans ang dumating. Sumunod dito, mga 10:11 p.m., isang GLOBAN van sakay ang tatlong Immigration officers at tatlong iba pang sasakyan sakay ang anim na foreign nationals ang dumating na rin. They were escorted by the Airport Police Department patrol vehicle," ani Poe.

Sa flight general declaration, tatlong crew at anim na pasahero lang ang dapat na sakay ng eroplano. Ngunit base sa impormasyong nakuha ni Poe mula sa Bureau of Immigration, 7 ang pasaherong nakasaad sa hawak nilang General Declaration – isang Malaysian, Korean, Chinese, Vanuatu at tatlong mula sa Saint Kitts and Nevis. Nasabi rin sa kanila na ang hawak nilang mga visa ay mix ng tourist, employment at Special Resident Retiree's Visa (SRRV).

"Bandang 10:20 p.m., may dumating na dalawang van sakay ang hindi isa, pero walong Asian looking nationals. Mr. President, these individuals were not included in the General Declaration but they attempted to board the aircraft –attempted dahil natigilan sila nang makitang kumukuha ng video ang isa sa mga aircraft inspectors. However, at around the same time, the inspectors noticed three unauthorized individuals entering the aircraft followed by the aircraft door closing. Agad inutusan ng mga aircraft inspectors ang GLOBAN handler na pigilan ang departure ng eroplano. Matapos nito, agad nagpunta ang head ng PNP Aviation Security Group sa rampa at kinuwestyon ang immigration officers: Una, kung bakit aalis ang eroplano nang hindi dumadaan sa pre-flight inspection; at pangalawa, bakit may mga karagdagang mga pasahero na wala sa General Declaration," ani Poe.

Ang paliwanag daw ng Immigration officer, clear to travel ang eroplano dahil naproseso na nila ang dagdag pasahero.

"At about 10:40 p.m., despite efforts to coordinate with the GLOBAN representatives and Immigration officers, the aircraft continued to take off. After this, the Aviation Security Group called the control tower to hold the departure of the aircraft. Ang sabi ay hindi ito posible dahil naaprubahan na ang flight navigation clearance," ani Poe.

Sabi pa ni Poe, hindi ito ang unang pagkakataon dahil December 2022 may mga Chinese nationals na sumakay sa isang private aircraft at umalis ang eroplano na walang pre-flight inspection clearance. Nai-report ito sa MIAA ngunit wala namang naging aksyon.

"More than just a protocol glitch, the issue digs deeper as it involves national security and human trafficking. We call on the Bureau of Immigration to explain how individuals were able to fly out of the county with just a whim of uttered clearance from an Immigration officer, without an amendment of the General Declaration, based on proper procedures. Bakit sila kailangan i-transport palabas ng bansa na walang dokumentasyon? Malinaw na may tinatago ang mga taong nasa likod nito. Is this a case of human trafficking?" aniya.

Ipinunto naman ni Sen. Risa Hontiveros na GLOBAN din ang kumpanyang nagtangkang ipuslit sina Pharmally executives Mohit at Twinkle Dargani palabas ng bansa noong kasagsagan ng imbestigasyon ng Senado ukol sa umano’y maanomalyang procurement ng PPEs ng gobyerno.

Sabi ni Hontiveros, mukhang hindi lang sa NAIA ang operasyon nitong Globan dahil sa Davao International Airport nahuli ang magkapatid na Dargani.

Si Sen. Bato dela Rosa hindi naman naitago ang kanyang inis. Hiniling ni Dela Rosa na sa komite niya i-refer ang imbestigasyon.

Pero sabi ni Senate President Juan Miguel Zubiri, tatlong komite ang nakikita niyang pupwedeng mag-imbestiga dito, ang Committee on Public Order and Dangerous Drugs ni Dela Rosa, Public Services Committee ni Poe at Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Sen. Francis Tolentino.

Matapos ang caucus ay nagpagdesisyunan na i-refer ang privilege speech ni Poe sa Blue Ribbon Committee.

Read More:
PatrolPh
Tagalog news
balita
human trafficking
naia
poe
blue ribbon committee
grace poe
senate
senado
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT