Pilipinas 'low risk' na ulit sa COVID-19: DOH | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pilipinas 'low risk' na ulit sa COVID-19: DOH

ABS-CBN News
Published Feb 15, 2022 07:17 PM PHT

Ibinalik na sa "low risk" ang COVID-19 classification ng Pilipinas sa harap ng pagbaba ng mga kaso, sabi ngayong Martes ng Department of Health (DOH).

Sa datos ng DOH, 3,521 ang average daily cases ng Pilipinas mula Pebrero 8 hanggang 14, mas mababa nang 56 porsiyento kompara sa sinundang linggo.

Karamihan din umano sa mga rehiyon ay "low risk" na maliban sa Cordillera Administrative Region, Western Visayas, Davao Region at Soccsksargen na "moderate risk" pa rin.

Sa projections ng DOH, base sa katangian ng omicron variant, paggalaw ng mga tao, vaccination coverage at pagsunod sa health protocols, maaaring mas bumuti pa ang lagay ng bansa pagsapit ng kalagitnaan ng Marso.

Kung mapapanatili ang kasalukuyang pagsunod sa health standards, posibleng bumaba sa 83 cases per day ang maitala pagsapit ng Marso 15.

Kapag bumaba nang 12 porsiyento ang pagsunod sa health standards, aabot sa 2,077 cases per day ang maaaring makita.

Kung aabot nang 19 porsiyento ang hindi pagsunod, puwedeng umabot sa higit 7,000 kaso ang maitala sa gitna ng Marso.

Ayon sa Malacañang, isinasapinal na ang "road map" para sa Alert Level 1 sa National Capital Region.

"A big part of the road map to Alert Level [1] has to do a lot with compliance of establishments to [minimum public health standards]. Kaya malaking bahagi dito ang safety seals," ani acting presidential spokesperson Karlo Nograles.

Inaasahang sa Marso din mailalabas ang National Action Plan Phase 5. Malaking bahagi umano nito ang patuloy na pagbabakuna kontra COVID-19, pagsunod sa health standards, mas malawak na pagbubukas ng ekonomiya at pagbabalik ng mga estudyante sa mga eskuwelahan.

Para sa infectious disease specialist na si Dr. Rontgene Solante, malaki ang magiging papel ng patuloy na pagbabakuna sa magiging sitwasyon ng pandemya sa bansa.

"I can see that within this year, we’ll be able to control the pandemic based on vaccination rate. With high vaccination rate, there’s less cases expected in the next months," aniya.

Ngayong Martes, nakapagtala ang Pilipinas ng 2,010 dagdag na kaso ng COVID-19, ayon sa DOH.

Dahil dito, pumalo sa 3,641,940 ang kabuuang bilang ng mga kaso, kung saan 72,305 ang active cases o may sakit pa rin.

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
Covid-19
coronavirus
Department of Health
low risk
Alert Level 1
new normal
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT