Hindi totoo ang kumakalat na post sa social media na nagsasabing ang proclamation rally noong Pebrero 8 ng kampo ni presidential candidate Leni Robredo ang "biggest campaign rally in the history of Philippine politics."
Sinasabi sa Facebook post na may kasamang drone shot ng proclamation rally, nasa 200,000 hanggang 400,000 ang dumalo batay sa ulat ng PNP Region 9 (PNP-R9). Sa report naman daw ng Associated Press (AP), dinaluhan ito ng 300,000 to 600,000. Ang larawan sa post ay may logo ng AP.
Sakop ng PNP Region 5, hindi ng PNP-R9, ang Naga City kung saan ginawa ang rally. Sa phone interview ng ABS-CBN News kay Col. Errol Garchitorena ng Naga PNP, nasa 18,000 hanggang 20,000 ang dumalo.
Ayon naman kay Jim Gomez, AP Manila chief correspondent, sa isang chat interview, hindi naglabas ng crowd estimate ang AP at hindi nila mga larawan ang ginamit sa post. Lumang logo na rin ng AP ang nasa post.
Samantala, Zamboanga Peninsula ang sakot ng PNP-R9.
BMPM, Halalan2022, Halalan partnership, Fact-checking, TsekPH, #FactsFirstPh, Leni Robredo,