Umano'y crime group leader patay sa engkuwentro sa Navotas | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
News
Umano'y crime group leader patay sa engkuwentro sa Navotas

ABS-CBN News
Published Feb 15, 2022 12:11 PM PHT
MAYNILA — Natagpuang patay ang isang lalaking lider ng notoryus na gun-for-hire at drug group sa may dalampasigan sa Navotas City, sabi ngayong Martes ng pulisya.

Ito'y matapos manlaban umano ang suspek na si alyas "Ato," 39, nang silbihan siya ng arrest warrant ng mga pulis para sa kasong murder at frustrated murder.

Ayon sa pulisya, nakatanggap sila ng impormasyon noong Linggo tungkol sa kinaroroonan ni "Ato" kaya nagkasa sila ng operasyon para mahuli ito.

Nang mamataan umano ng mga awtoridad si "Ato" sa isang bangka sa baybayin ng Tanza area, bigla silang pinaputukan ng baril ng suspek, dahilan para gumanti rin sila ng putok.

Sa gitna ng engkuwentro, tumalon sa tubig ang suspek. Ilang oras ding sinubukan ng mga awtoridad na hanapin siya sa naturang lugar.

Kalauna'y nakatanggap ng ulat ang mga pulis ukol sa bangkay ng isang lalaki, na natagpuang palutang-lutang sa tubig sa may Barangay Tanza 2.

Nakumpirma ng mga pulis na si "Ato" ang bangkay.

Nakuha sa suspek ang isang baril at ilang pakete ng shabu na nagkakahalagang P36,000.

— Ulat ni Nico Bagsic, ABS-CBN News
FROM THE ARCHIVES
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT