Bahagi ng concrete cladding ng SM City Sta. Mesa bumigay, kotse nabagsakan

ABS-CBN News

Posted at Feb 15 2020 05:32 PM

Nangyari ang insidente sa kasagsagan ng tatlong araw na sale ng mall. Jeck Batallones, ABS-CBN News

MAYNILA - Bumigay ang bahagi ng concrete cladding ng SM City Sta. Mesa sa lungsod na ito, dahilan para madaganan ang isang nakaparadang sasakyan.

Ayon sa mga nakakita, dumadaan ang sasakyan nang biglang bumagsak ang pader.

Wasak ang sasakyan at dinala sa pagamutan ang driver.

Nangyari ang insidente sa kasagsagan ng tatlong araw na sale ng mall.

Sa pahayag ng SM City Sta. Mesa, sinabi nilang agad na natugunan ng kanilang Emergency Response Team ang insidente.

Pansamantala umanong isasara sa mga mamimili at sasakyan ang lugar kung saan bumagsak ang concrete cladding.

Kasalukuyan nilang iniimbestigahan ang insidente.

"There was an incident that occurred along the driveway of SM City Sta. Mesa involving a male customer. Our Emergency Response Team was immediately on site and took the person to the nearby hospital. For the safety of everyone, the area has been closed temporarily to both pedestrian and vehicular traffic. An investigation into the matter is already ongoing," ayon sa pahayag ng mall.

-- Ulat ni Jeck Batallones, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.