TINGNAN: Binahang bahagi ng bayan ng Palo sa Leyte

Sharon Evite, ABS-CBN News

Posted at Feb 15 2018 07:07 PM | Updated as of Sep 18 2018 07:43 AM

Binaha ang ilang bahagi ng bayan ng Palo sa Leyte dahil sa tuloy-tuloy na pagulan na dala ng bagyong Basyang. Photo courtesy of Joseph Pasalo

Nalubog sa baha ang malaking bahagi ng bayan ng Palo sa Leyte dahil na rin sa halos walang tigil na pagbuhos ng ulan dala ng bagyong Basyang.

Sa aerial photos na kuha ni Joseph Pasalo, makikita ang lawak ng bahaging apektado ng pagbaha.

Nakunan din niya ang naganap na pagguho ng lupa sa Sitio Kauswagan sa bayan ng Palo.

Dahil sa lakas ng ulan, gumuho ang isang bahagi ng bundok at natabunan ang apat na bahay.

Wala namang nasaktan sa insidente. 

Binaha ang ilang bahagi ng bayan ng Palo sa Leyte dahil sa tuloy-tuloy na pagulan na dala ng bagyong Basyang. Photo courtesy of Joseph Pasalo
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.