Pinay na naligtas sa lindol sa Turkey, nakalabas na ng ICU | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pinay na naligtas sa lindol sa Turkey, nakalabas na ng ICU

Pinay na naligtas sa lindol sa Turkey, nakalabas na ng ICU

ABS-CBN News

 | 

Updated Feb 14, 2023 11:18 AM PHT

Clipboard

A man walks next to collapsed buildings after a powerful earthquake in Hatay, Turkey, 11 February 2023. More than 24,000 people have died and thousands more are injured after two major earthquakes struck southern Turkey and northern Syria on 06 February. Authorities fear the death toll will keep climbing as rescuers look for survivors across the region. EPA-EFE/ERDEM SAHIN

MAYNILA – Nakalabas na sa intensive care unit o ICU ang Pinay na mahigit 60 hours natabunan ng magnitude 7.8 na lindol sa Turkey bago ito nasagip ng mga rescuer.

Kuwento ni Maribel Benlingan Liyab, nasa ward room na ng ospital ngayon ang kapatid niyang si Julie.

“Bale naipit po yung ulo niya, kaya meron siyang sugat sa mukha, pati paa niya kaya medyo nag-swell yung mga paa niya,” kuwento ni Liyab.

Ibinahagi rin niya kung paanong nakaligtas si Julie mula sa pagguhong dulot ng lindol.

ADVERTISEMENT

“Meron daw po siyang naabot na somewhat of a kitchen utensil, yun po yung kinalampag niya nang kinalampag hanggang ma-rescue po.”

Dagdag pa niya, “Wala daw ho siyang ibang ginawa kundi, kasi pag minsan naa-unsconscious, tapos pag nako-conscious siya dasal lang daw po siya nang dasal.”

Ani Liyab, mga 2-3 minuto lang niyang nakausap ang kapatid dahil nagpapagaling pa ito.

Si Julie ay isang single mom na huling nakauwi sa Pilipinas noong 2019. Kuwento ng kapatid, uuwi sana ito sa Hunyo ngayon taon para sa graduation ng kanyang 12-anyos na anak.

Samantala, patuloy na nanawagan ng tulong ang pamilya ni Emily Padriquilaga Bayir, ang Pinay na nawawala pa rin kasama ang tatlo niyang anak matapos ang lindol.

Ayon sa kanyang kapatid na si Rose Padriquilaga, wala pa silang balita ukol sa kanyang kapatid at mga pamangkin.

“Friday pa, yung asawa niya, nagchat sa amin na, yun nga, di pa napask yung area sa bahay nila,” kuwento ni Rose.

Apela niya, sana ay makita niya si Emily at mga pamangkin, ano man ang kalagayan nila.

“Nakikiusap po sana ako sa embahada ng Pilipinas sa Turkey, na hanapin pa rin nila yung kapatid ko kasi missing pa talaga, at sa mga kababayan natin na rescuer sana po mapansin nila na may Pinay pa talagang hindi nakikita.”

“Kahit man buhay o patay man lang sila, kailangan makita talaga natin silang makita. Kawawa naman kasi sila, kalimutan lang,” sambit niya.

--TeleRadyo, 14 Pebrero 2023

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.