Mga Pinoy kinilala ang ambag ng TV Patrol, DZMM, TFC sa araw-araw na pamumuhay | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga Pinoy kinilala ang ambag ng TV Patrol, DZMM, TFC sa araw-araw na pamumuhay

Michael Joe Delizo,
Jeff Canoy,
at Edwin Sevidal,
ABS-CBN News
Published Feb 14, 2020 05:24 PM PHT
|
Updated Mar 03, 2020 08:53 PM PHT

MAYNILA — Mainit na usapin ngayon ang ilang hakbang ng sangay ng pamahalaan na kinukuwestiyon ang prangkisa ng ABS-CBN, ang pinakamalaking broadcast network sa Pilipinas.

Kabilang dito ang paghahain ng Office of the Solicitor General ng isang quo warranto petition sa Korte Suprema upang ipawalang-bisa ang kasalukuyang prangkisa ng ABS-CBN, na nakatakdang mapaso sa Marso.

Ang mga panukala naman upang magkaroon ng bagong prangkisa ang ABS-CBN ay nakatengga pa rin sa Kongreso.

Sakaling hindi magkaroon ng prangkisa, posibleng matigil ang operasyon ng ABS-CBN.
Sakaling hindi magkaroon ng prangkisa, posibleng matigil ang operasyon ng ABS-CBN.
ADVERTISEMENT
DZMM
Bukod sa Channel 2, kasamang mawawala sa ere ang radio arm nito na DZMM.

Sa halos 2 dekada, nanatiling una sa balita at una sa public service ang DZMM. Sa panahon ng internet, patuloy na nakikipagsabayan ang radyo bilang pinakamabilis na mapagkukunan ng impormasyon ng mga Pinoy.

Nang manumbalik sa ere ang ABS-CBN pagkatapos ng martial law, doon din nanumbalik ang pag-asa ng ilan sa pamamahayag na hindi kontrolado ng gobyerno.

Lumakas pa ang pagbabalita nang mag-diversify ang DZMM sa telebisyon sa pamamagitan ng Teleradyo noong 2007.

Para sa ilang estudyante, DZMM ang sandigan sa panahon ng kalamidad at kapag pumapalya ang internet.

Nang pumutok ang Bulkang Taal, naka-sign off na ang ilang istasyon pero nanatiling gising ang DZMM para sa blow by blow na pagbabalita sa radyo at telebisyon.

"Important 'yung mga walang access sa social media... 'Yung kahalagahan, siyempre priority po talaga tulad ng warnings kung umuulan, nag-aabang kami ng walang pasok [notice]," ayon kay Gift Gonzales, estudyante.

"Iba po 'yung news ng ABS-CBN at tsaka 'yung news po ng ibang network. Sa ABS-CBN, mas updated," sabi naman ni Marcus Mendoza, estudyante.

Nakakakuha naman ng mga on-the-spot na report sa DZMM si Lt. Comm. Juanito Yu Cacayan, na nakikita niyang importante sa trabaho niya sa Philippine Coast Guard auxiliary.

"Dapat updated kami sa lahat ng isyu. Dapat alam ang dapat gawin at isaalang-alang," aniya.

Ang mga taxi driver, kasama ang DZMM sa pagpasada, lalo para malaman ang lagay ng kalsada.

"Napakahalaga ho, maraming advance na balita, mga balita puro totoo," ani Danilo Santillan, taxi driver.

"Diyan kami nagmo-monitor kung matrapik lalo na ngayon na iba ang ano ngayon," ani Andres Guarte, taxi driver.

Sakaling mawalan ng prangkisa ang ABS-CBN ngayong taon, tatahimik din sa himpapawid ang DZMM sa radyo at Teleradyo sa telebisyon.

TV PATROL
Ipagdiriwang naman ng TV Patrol ang ika-33 anibersaryo nito sa Marso.

Ang flagship newscast ng ABS-CBN ang naghatid ng ilang kuwento sa likod ng mga malaking balita na humubog sa kasaysayan ng bansa.

Ang reporters na sumabak sa TV Patrol ay kung ano-ano ang pinasok maihatid lamang ang pinakamaiinit na kuwento sa publiko.

Ilan sa kanila, naroon nang nagsisimula pa lang ang TV Patrol na binago ang istilo ng pagbabalita sa Pilipinas noong 1987.

Strike anywhere ang mga reporter at mas lalong napapatunayan ito sa panahon ng mga disaster.

Si Charie Villa, nasa Botolan, Zambales nang pumutok ang Bulkang Pinatubo noong 1991, kasama ang kapwa reporters na sina Jing Magsaysay, Vic de Leon-Lima, at Gus Abelgas.

Sina Magsaysay at Gene Orejana naman ang na-assign sa pagsabog ng Bulkang Mayon noong 1993 kung saan sa unang pagkakataon sa Pilipinas, naihatid ang balita sa pamamagitan ng satellite sa tulong ng Sky Cable.

Isa naman sa di malilimutang imahe sa telebisyon noong dekada '90s ay ang pag-report ni Pia Hontiveros sa super bagyong Rosing.

"I want to go out para makita ng tao na when I am describing weather conditions, nakikita kung anong nangyayari and how else can you see – kung ano 'yung lakas ng hangin, lumipad na yero, 'yung mga puno na sumasayaw, mga ganun," aniya.

Ang live via satellite ay unti-unting naging live via digital kung saan nagamit ng mga reporter ang bagong teknolohiya para makapag-report mula Marikina noong Ondoy, Yolanda sa Tacloban, Sendong sa Cagayan de Oro at Iligan, at Pablo sa Compostela Valley at New Bataan.

Pero nagbago man ang teknolohiya at mga bagong mukha na ang nagbabalita, ang hindi napapalitan ay ang pag-asang sa likod ng paulit-ulit na trahedya ay nariyan ang TV Patrol upang mag-ulat.

TFC
Malaking tulong din sa mga overseas Filipino worker (OFW), lalo na sa Asia-Pacific region ang pag-ere ng ABS-CBN sa kanilang kinaroroonan.

Naitampok sa "Maalaala Mo Kaya" ang kuwento ng buhay ni Marrz Saludez Balaoro, isang OFW transgender man na nagtatrabaho sa Hong Kong.
Si Anne Curtis ang gumanap bilang Balaoro at ipinalabas ang episode noong Hulyo 2019 .
Inilahad sa MMK ang matinding diskriminasyong pinagdaanan niya bilang isang OFW.

Sa kabila nito at dahil dito, nabuo ang kanyang adbokasiya para sa mga karapatan ng OFW at LGBT community.
"Iyung pag-feature sa story sa MMK, malaking bagay, nalaman nila ano nagagawa ng ordinary OFW habang nagtatrabaho sa bansa, may ginagawa... Lumakas ang loob [ko]," ani Balaoro.

Malaking bagay naman para kay Jhic Dacio, chairperson ng grupong Share Hong Kong na tumutulong sa mga OFW, ang impormasyong nakukuha nila sa TFC, lalo na para makatulong sa mga nasalanta ng mga trahedya.
"May nasalanta, gusto ng tulong, nalalaman namin sa ABS-CBN. Malaking tulong, nagkakaroon ng idea kung sino tutulungan namin," sabi niya.
Nasa 130,000 Pilipino ang nagtatrabaho sa Hong Kong, karamihan mga domestic workers.

"Malaking tulong pa-update sa families sa Pinas, weather forecast, sa paghahatid ng mga balita at pangyayari, pagbalita sa aming mga OFWs whether negative or positive," ani alyas "Rica," isang domestic helper doon.
Sa pamamagitan ng mga palabas sa ABS-CBN ay napapawi rin ang lungkot at pangungulila ng mga OFW sa iba-ibang parte ng mundo.
Ang ilang OFW sa Thailand, hindi makapaniwala sa quo warranto petition laban sa prangkisa ng ABS-CBN.

"Umaasa lang kami sa TFC, hindi ko mai-imagine na mawawala ang ABS-CBN," sabi ni Jhen Nollas, OFW sa Thailand.

"Umaasa kami sa TFC, malayo kami [so] nakakalungkot," ayon naman kay Kris Pelayo.
Maging ang mga Pinoy sa Australia ay nagpahayag din ng kanilang suporta sa ABS-CBN.

"To the ABS-CBN family, I extend my support and gratitude. Please continue to provide programs that entertain the Filipino families and deliver quality source information elsewhere in the world. Thank you," sabi ni Lloyd Dominic Calimag, Pinoy student sa Australia.

Saan man sa mundo, kung saan may mga Pilipino, naging kasangga na ng mga Pinoy ang ABS-CBN sa kanilang pagsusumikap at pakikipagsapalaran para mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga Kapamilya.