Lingkod Kapamilya nagbabala vs mga pekeng recruiter

ABS-CBN News

Posted at Feb 14 2019 03:35 PM | Updated as of Feb 14 2019 06:14 PM

 

Nagbabala ngayong Huwebes ang ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation Inc. laban sa mga umano ay nagpapanggap na empleyado ng kanilang organisasyon at nag-aalok ng mga trabaho sa ibang bansa.

Sa isang pahayag, sinabi ng organisasyon na nakarating sa kanila ang ulat na "mayroong nagpapakilalang empleyado ng Lingkod Kapamilya at nag-aalok ng trabaho sa ibang bansa."

"Nais po naming ipaalam na wala pong inaalok na trabaho sa ibang bansa ang aming opisina. Huwag po tayong agad-agad maniwala sa mga taong nag-aalok ng ganitong tulong," sabi ng Lingkod Kapamilya sa pahayag.

Sakaling makatanggap ng mensahe sa mga nagpapakilalang tauhan ng organisasyon, maaari raw itong idulog sa Facebook at Twitter pages ng Lingkod Kapamilya.

Ang Lingkod Kapamilya Foundation ang socio-civic arm ng ABS-CBN Corporation, habang ang news.abs-cbn.com naman ang news website ng nabanggit na korporasyon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.