Bata patay sa pananakal ng kasambahay sa GenSan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bata patay sa pananakal ng kasambahay sa GenSan

Bata patay sa pananakal ng kasambahay sa GenSan

Jay Dayupay,

ABS-CBN News

 | 

Updated Feb 14, 2019 08:42 PM PHT

Clipboard

Humingi ng tawad sa mga among pulis ang 18 anyos na kasambahay na napatay sa sakal ang 5-taong gulang na alaga nito. Jay Dayupay, ABS-CBN News


GENERAL SANTOS CITY – Patay ang isang 5-taong gulang na batang babae matapos na sakalin at talian pa sa leeg ng kasambahay, Miyerkoles ng hapon.

Kalaboso ang 18 anyos na kasambahay na si Anselma Yangon matapos masakal ang panganay na anak ng kaniyang mga among kapwa pulis dahil matigas daw ang ulo ng bata.

Pero ayon sa mga pulis, pinalabas pa ng kasambahay na nagpatiwakal ang bata.

Watch more in iWantv or TFC.tv

“Allegedly, itong katulong, pumasok na lang sa playroom at nakita na lang ang bata na nakatayo at may tali sa leeg. Dinala sa ospital pero dead on arrival,” sabi ni Chief Insp. Ananais Vasquez.

ADVERTISEMENT

Nagtaka ang ina ng bata na isang PO1 nang hindi sumalubong ang anak sa kaniyang pag-uwi pasado ala-5 ng hapon.

Ayon sa pamilya, tinangka pa umanong patayin ng kasambahay ang isa pang alaga na 3-taong gulang naman dahil sa natagpuang mga tali sa loob ng bahay at saka raw ito magpapatiwakal.

Naging aborido daw ang yaya ng mga bata matapos na mag-away sila ng kaniyang boyfriend isang araw bago ang Valentines' Day.

Mariing itinanggi naman ito ng kasambahay at humingi ng paumanhin sa kaniyang mga amo.

“Sana mapatawad nila ako, kasi hindi ko naman po sinasadya,” paliwanag ni Yangon.

Dalawang taon nang kasambahay si Yangon ng pamilya. Payo ng mga pulis, busisiing mabuti ang background ng mga kasambahay para masiguro ang pagkatao nito.

Desidido naman ang pamilya na magsampa ng kasong murder laban sa kasambahay.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.