Utang ng STL operators sa PCSO aabot sa P5 billion | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Utang ng STL operators sa PCSO aabot sa P5 billion

Robert Mano,
ABS-CBN News
Published Feb 13, 2023 04:40 PM PHT

MAYNILA — Aabot sa P5 billion ang utang sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ng ilang authorized agent corporations o mga STL operators.

Ito ang nadiskubre sa pagdinig ng Senate Committee on Games and Amusement nitong Lunes.

Tinanong kasi ni Sen. Robin Padilla kung laging nakakapagbayad ang mga STL operator.

Sagot ni PCSO Chief of Staff Atty. Lyssa Grace Pagano, “prior to 2020, mga P5 billion po."
Sagot ni PCSO Chief of Staff Atty. Lyssa Grace Pagano, “prior to 2020, mga P5 billion po."
ADVERTISEMENT
Kaya sabi ni Padilla, hindi na dapat civil case ang ikaso sa mga operators kundi criminal cases na rin.

Ipinatutukoy naman ni Sen. Raffy Tulfo kung may mga nakasuhan sa mga operator na ito.

“Dapat po may makulong kasi baka sinasabi lang nila, 'Bankrupt na ako'. Pero 'wag ka, ang ginawa nila, parang ginawa nila (ay) hit-and-run. Matapos tumiba-tiba ng daan-daang milyon, magsasara. At mago-open na naman ng panibagong location," aniya.

Kaya hiniling na rin ng mga senador sa PCSO na isumite sa kanila ang listahan ng mga operator na ito at maging ang kanilang mga opisyal.

Mismong si PCSO Chairman Junie Cua ay nagulat din dito at sinabing dapat mapag-usapan ito ng board.

Samantala, kinuwestyon din ni Tulfo ang PCSO kung bakit walang health benefits ang mga nagpapataya at kabo o mga nagpapataya ng STL.

Sabi niya, sila mismo ang gumagawa ng pera kahit umuulan o umaaraw. Habang ang mga operators ay nasa aircon na kwarto lamang, nakaharap sa money counting machine at binibilang ang sako-sakong pera, habang pinagpapawisan ang kanilang mga kolektor.

Dagdag pa ni Tulfo, “Kapag sila nagkasakit, tapos na. Sinong sasagot ng kanilang pagpapagamot? Kapag sila ay tumanda, sino ang mag-aalaga at saan nila kukunin ang pera?”

Tugon ni Atty. Lauro Patiag, PCSO Assistant General Manager, sa ilalim ng rules and regulations, hindi empleyado ng PCSO ang mga nagpapataya o sales agents.

“Ang mga sales agents o mga kabo, kubrador na tinatawag, sila po ay empleyado ng authorized agent corporation kung saan meron ng agreement ang PCSO,” dagdag ni Patiag.

Giit ni Tulfo, kung empleyado sila ng STL, dapat utusan ng PCSO ang mga STL na sumunod sa labor laws ng bansa.

Paliwanag pa ni Patiag, may probisyon naman para sa medical benefits sa mga STL at pwede na isama ito sa amyenda sa implementing rules and regulations.

Sa pagdinig, binusisi rin ni Tulfo ang 2 percent na kinokolekta ng PCSO sa mga operators para sa printing fees. Ito ang gagamitin para pagsulatan ng mga pataya pero wala naman aniyang dine-deliver.

Sa pagkwenta ni Tulfo, nasa P500 million ang nakolekta na.

Tugon ni Cris Gregorio, Department Manager for Accounting and Budget, nasa PCSO pa rin ang mga nakolektang pera at ginagamit sa operating at printing cost.

Pero sabi ni Tulfo, ilegal ito dahil ginagamit umano ang pera sa hindi naman dapat pagkagastusan.

Suhestiyon niya, gamitin na lamang ang pera sa mga ospital na nangangailangan ng pondo.

Sabi pa ni Tulfo, may hiwalay pa na P500 million na nakolekta ang PCSO sa prize fund tax.

Sa halip aniya na ibalik ng PCSO sa mga operators ay maaari rin itong gamitin para sa charity support sa mga ospital.

Pinangalanan naman ni Tulfo sa pagdinig ang isang taong nangongotong umano buwan-buwan sa mga operator ng P500,000 bukod pa sa goodwill money.

Wala naman sa mga opisyal ng PCSO na nasa pagdinig ang nagsabi na kilala nila ito.

Read More:
PatrolPh
Tagalog news
balita
PCSO
Senate
senado
STL
Philippine Charity Sweepstakes Office
Senate hearing
Lyssa Grace Pagano
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT