Luis Manzano no-show sa estafa hearing ng NBI | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

News

Luis Manzano no-show sa estafa hearing ng NBI

Luis Manzano no-show sa estafa hearing ng NBI

Niko Baua,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Hindi dumating ang abugado ng actor-host na si Luis Manzano sa National Bureau of Investigation (NBI) nitong Lunes ng umaga kung saan may pagdinig sa imbestigasyon laban sa Flex Fuel Corporation sa kasong estafa.

Natanggap ng abugado ni Manzano ang subpoena noong Biyernes matapos siyang madawit sa reklamo dahil siya ang dating chairman of the board ng kumpanya at dati ring co-owner.

Dumating ang messenger ng law firm na nagrerepresenta kay Manzano. Sa kanilang sulat, pinaliwanag nila na kasalukuyan pa silang nagsusuri ng ebidensya tungkol sa reklamo, at humihingi sila ng 15 araw na extension para makapagsumite ng ebidensya.

Dating pinaliwanag ni Manzano na Setyembre pa lang ay humingi na siya ng tulong sa NBI para imbestigahan ang Flex Fuel. Noong Nobyembre ay pormal na siyang naghain ng reklamo dahil may utang daw ang kumpanya sa kanya na P66 million.

ADVERTISEMENT

Noong Enero nagsimula namang maghain ng reklamo ang mga co-owners o investors ng kumpanya laban sa pamunuan ng Flex Fuel at kay Manzano dahil kulang umano ang nakukuha nilang dibidendo mula sa kumpanya. Sa ngayon, nasa 50 mga co-owner na ang nagsampa ng reklamo.

Sa isang pahayag, itinanggi naman ng Flex Fuel ang mga paratang.

Hindi raw sila nanloloko o nagpapatakbo ng isang scam. Sa halip, sinisiraan daw sila ng ilang shareholder.

Paliwanag nila, naapektuhan ang kanilang kita dahil sa pandemya, pag-akyat ng inflation at ng giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Hindi raw nila pinababayaan ang kanilang mga shareholder at patuloy ang kanilang ugnayan.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.