Chinese na nagsaboy ng taho sa pulis, dinampot ng BI | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Chinese na nagsaboy ng taho sa pulis, dinampot ng BI

Lady Vicencio,
ABS-CBN News
Published Feb 13, 2019 02:51 AM PHT

MAYNILA - Balik-kulungan Martes ng gabi ang 23 anyos na si Zhang Jiale matapos sunduin ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Mandaluyong City Police Station.

Ayon sa kaniyang legal counsel na si Atty. Sandra Respall, bandang alas-8 ng gabi nang umano’y puwersahang arestuhin si Zhang sa estasyon.
Sa ipinakitang mission order, inutos ng BI ang pag-aresto kay Zhang kung mapatunayang ilegal ang kaniyang pamamalagi sa bansa.

Kahit umano naipresenta ng kampo ni Zhang ang valid passport at residence visa, pinilit pa ring pasamahin si Zhang sa mga tauhan ng BI.

Dagdag ni Respall, walang ibinigay na kopya ng mission order ang BI at hindi siya pinasama sa kaniyang kliyente.

ADVERTISEMENT
Pumunta sila sa opisina ng BI sa Intramuros, Maynila pero wala roon si Zhang.

Hatinggabi na nang makatanggap sila ng tawag mula kay Zhang na naka-detain ito sa immigration jail.

Matatandaang kinasuhan si Zhang ng direct assault at disobedience to an agent of a person in authority at unjust vexation nang tapunan niya ng taho ang pulis na sumita sa kaniya sa MRT station.

Nakapagpiyansa siya ng P12,000 at pansamantalang nakalaya.

Dahil sa umano’y warrantless arrest ng BI, dinepensahan ng abogado si Zhang na nagawa niya ang pagtapon ng taho matapos umanong sabihan ni PO1 William Cristobal ng “You Chinese are not welcome in the Philippines.”

Pag-aaralan ng kampo ni Zhang ang pagsasampa ng kaso sa sinasabing warrantless arrest na nangyari.

Inirekomenda na ng BI ang paghain ng deportation case laban kay Zhang.

Ayon kay BI spokesperson Dana Sandoval, may nakitang sapat na batayan ang ahensiya upang ipatapon palabas ng bansa ang dayuhan.

Para naman kay Commissioner Jaime Morente, hindi nila palalampasin ang ipinakitang pagsuway at kayabangan ni Zhang.