TFC News

Pagdiriwang ng ika-45 anibersaryo ng PH-Bahrain diplomatic ties inilunsad

TFC News

Posted at Feb 12 2023 07:27 AM

MANAMA - Bilang paghahanda sa pagdiriwang sa paggunita ng Philippine-Bahrain diplomatic relations sa Nobyembre, isang 3-day Philippine Festival ang inorganisa ng Philippine Embassy sa Manama, Kingdom of Bahrain sa pakikipagtulungan ng Brand Sync at Oasis Mall sa Juffair, Bahrain.

Isa lang ang event sa serye ng mga pagdiriwang at kasiyahan para sa anibersaryo.

1
Manama PE photo

Opisyal na binuksan ang Philippine Festival noong January 26, 2023 ni Philippine Chargé d’ Affaires to Bahrain Anne Jalando-on Louis, kasama ang mga panauhing sina H.E. Shaikha Hind bint Rashid Al Khalifa, Director ng Al Rashid Group, Hassan Abdullah Al Madani, Deputy Governor ng Capital Governorate, Shazryll Zahiran, Ambassador ng Malaysia, Ardi Hermawan, Ambassador ng Indonesia, Nazirah HJ Zaini, Chargé d’ Affaires ng Brunei, at Nuttapat Chumnikarakij, Chargé d’ Affaires ng Thailand.

Dumalo rin sa pagbubukas ng Philipppine Festival sina Yusuf Yaqoob Lori, Director of Information and Follow-up ng Capital Governorate, Khalifa Al Mannai at Waleed Al Rayes ng ASEAN Bahrain Council at Ric Advincula, Pangulo ng Filipino Club Bahrain.

Sa opening ceremony sa Atrium of Oasis Mall, nagtanghal ang Filipino Community Band, isang grupo ng OFW musicians sa Bahrain.

2
Manama PE photo

Tinugtog nila ang “Fil-Aali” march at isang medley ng Philippine folk songs. Naging highlight ng opening ceremony ang paglulunsad sa opisyal na logo ng ika-45 anibersaryo ng pagkakatatag ng diplomatic relations sa pagitan ng Pilipinas at Kingdom of Bahrain sa darating na November 27, 2023.

Nagkaroon din ng pagkakataong maipakilala ng Filipino Club Bahrain ang mga kandidata ng Ms. Philippines Bahrain 2023 na ang coronation ay magaganap sa March 17, 2023.

3
Manama PE photo

Isang 'Pinoy Market' sa Carrefour sa loob ng Oasis Mall at isang Filipino Art Exhibit ng Filipino Creatives Bahrain at International Action Arts Bahrain ang ilan sa mga naging tampok ng Philippine Festival.

Punong-puno rin ng musika, palaro, sayaw at pagkaing Pilipino ang event.

kantahan
Manama PE photo
food stalls
Manama PE photo
sports
Manama PE photo

Pinasalamatan naman ni Louis ang Al Rashid Group ng Oasis Mall, Brand Sync, performers, vendors, volunteers ng Filipino Community at iba pang indibidwal na tumulong at sumuporta sa festival.

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Bahrain, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.