Bro. Mike Velarde ipinaliwanag ang pag-indorso kina Marcos Jr., Sara Duterte | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bro. Mike Velarde ipinaliwanag ang pag-indorso kina Marcos Jr., Sara Duterte

Johnson Manabat,
ABS-CBN News
Published Feb 12, 2022 10:19 PM PHT

PARANAQUE CITY - Kinumpirma ni El Shaddai leader Bro. Mike Velarde na kasabay ng pagtataas niya ng kamay nila Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ay simbolo ng kanyang pag-eendorso at ng kanilang grupong El Shaddai sa isang prayer event sa siyudad na ito.

Sa ambush interview kay Bro. Mike matapos ang isinagawang fellowship sa Paranaque City, ipinaliwanag nito kung bakit ang tamabalang Marcos Jr., at Sara Duterte ang kanyang inendorso.

"Matagal nang lumapit sa 'kin yang dalawang yan, lalo na si Bongbong, It’s time for us Filipinos to be united. After all pagbigyan natin yung mga kalaban ni Marcos ng maraming taon di ba, baka naman kung may magawang mabuti sa atin, that’s why I have chosen them. Pero yung iba, kung gusto nilang pumunta dito… Welcome sila every Saturday, pero wala nang endorsement. “ sabi ni Velarde.

Dagdag pa ni Velarde, mag-eendorso siya ng dalawang kandidatong senador tuwing Sabado.

ADVERTISEMENT
Kasama sa unang inendorso ni Velarde sina dating Public Works Secretary Mark Villar at dating national police chief Guillermo Eleazar.

"Every Saturday mag-e-endorse ako ng dala-dalawang kandidato for senator up to 14. Mamili sila roon sa 14 na yun.” ani Velarde

Ani Velarde, nagbigay na siya ng instruction sa kanilang mga chapter sa mga probinsiya at maging sa ibang bansa na tulungan ang mga kandidatong ineendorso ng grupo.

"Yung mga chapter namin sa mga probinsiya at sa abroad may instruction ako na tulungan sila. Hindi ko ma-estimate yun, panahon ni Erap, 2 1/2 million ang nabigay namin… That was 1998 'di ba.” sabi ni Velarde,

Nagpasalamat naman sina Marcos Jr. at Duterte-Carpio sa pag-eendorso sa kanila ng El Shaddai.

"Nagpapasalamat po kami kay Bro. Mike Velarde at sa church ng El Shaddai sa kandidatura ko at ni apo BBM. Nagkausap po kami at sabi niya, eendorso niya kami as president and vice president.” sabi ni Duterte.

Si Marcos Jr., sinabing malaki ang utang na loob nila kay Bro. Mike.

"We are always very grateful to Bro Mike for all his support and all his help through the years actually this is not the first time. napakalaki ng utang namin ng aming grupo, si Inday Sara at lahat ng kasapi ng El Shaddai. He has endorsed us that generally means that he brings his group the El Shaddai with him, it''s not suprising, his is a message of love, our is a message of unity it works very well together.” sabi ni Marcos Jr.

Ayon kay Bro. Mike, tatlong bagay ang naging konsiderasyon niya sa pag-eendorso sa dalawa.

"Una open minded sila, pangalawa, panahon na para magkaisa tayong Pilipino. Pangatlo, mga bata pa sila.” sabi ni Velarde.

Aminado si Velarde na may iba pang kandidato na ikinokonsidera sana niya subalit sina Marcos at Duterte lang ang lumapit sa kanya para humingi ng kanyang basbas.

"Mayroon, actually kino-consider ko sila lahat, but then wala namang lumapit sa akin kundi yung dalawang yun. Kung hindi ka naman kailangan bakit mo susuportahan di ba, hindi lang sa grupo namin, kundi sa buong bayan, kailangan masolusyunan nila," ani Velarde.

"Kaya lang hindi puwedeng gawin nila yun kung walang suporta ang bayan, kaya kailangan magkaisa tayo, suportahan ang sinomang namumuno sa atin, yan ang personal policy ko, after all it’s God who appoints and designates leader of a nation."

Dagdag pa ni Velarde, kahit gusto ng taong-bayan ang isang kandidato kung iba naman ang pinili ng Diyos at wala rin tayong magagawa.