Bangkay ng lalaking nakagapos at nakapiring, natagpuan sa QC

ABS-CBN News

Posted at Feb 12 2020 05:11 AM | Updated as of Feb 12 2020 11:00 AM

Isang bangkay ng lalaki ang natagpuan sa kalsada ng Cubao, Quezon City nitong Miyerkoles ng madaling araw. Kuha ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Nakahandusay at wala nang buhay sa gilid ng kalsada ang isang lalaki sa 7th Avenue kanto ng Liberty Avenue, Barangay Socorro, Cubao, Quezon City. 

Wala pang pagkakakilanlan ang biktima na nakagapos ang mga kamay at nakapiring. 

Ayon sa mga taga-barangay, kaninang 1:45 ng madaling araw nang maiulat sa kanila ang insidente. 

May dalawang bata umanong nakakita na may SUV na dumaan sa nasabing lugar. 

Sinundan umano ito ng apat na putok ng baril bago nakita ng mga bata ang bangkay ng lalaki.

Kasalukuyang iniimbestigahan na ang krimen.-Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.