Sunog sumiklab sa Mt. Tapyas sa Palawan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sunog sumiklab sa Mt. Tapyas sa Palawan

Sunog sumiklab sa Mt. Tapyas sa Palawan

Rex Ruta,

ABS-CBN News

Clipboard

Tatlong bundok na ang inabot at malapit na rin sa residential area ang sunog na nagsimula sa Mt. Tapyas sa Coron, Palawan nitong Martes. Kuha ng City Environment & Natural Resources Office-Coron

Sumiklab ang sunog sa bahagi ng Mt. Tapyas sa Coron, Palawan nitong Martes ng umaga.

Nagsimula ang grassfire pasado alas-9 ng umaga at idineklarang under control alas-12 ng tanghali. Patuloy itong inaapula ng mga bombero.

Tatlong bundok na ang inabot ng sunog at malapit na rin sa residential area.

"Ang pinuntahan po ng apoy, dito na po sa may Sitio Buko-buko. Una po nating pinuntahan po 'yung may mga building po at saka 'yung may mga nakatirang mga tao," ani Fire Officer 3 Mark Alvin Sandoval ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa Coron.

ADVERTISEMENT

Inaalam pa kung paano nagsimula ang sunog. Nakatanggap umano ng tawag ang BFP-Coron mula sa ilang residente pero malawak na ang sinakop ng grassfire bago sila naka-responde.

Ang Mt. Tapyas ay kilalang puntahan ng mga bisitang gustong makita ang magandang view ng Coron lalo na kapag sunset.

Tinatawag din itong 700 stairs na may taas na 210 meters at pangalawa sa pinakamataas na bundok sa Busuanga Island.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.