'Faith tourism' para sa Semana Semanta, pinaghahandaan sa Cavite | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Faith tourism' para sa Semana Semanta, pinaghahandaan sa Cavite

'Faith tourism' para sa Semana Semanta, pinaghahandaan sa Cavite

Michael Delizo,

ABS-CBN News

Clipboard

CAVITE — Pinaghahandaan na ang “faith tourism” o ang pagdagsa ng mga mananampalataya sa mga simbahan sa probinsiya na ito para sa darating na Semana Santa.

Isinasagawa ngayong Pebrero ng provincial government ng Cavite, Provincial Tourism and Cultural Affairs Office, at Department of Tourism Region IV-A ang pagi-inspeksyon sa mga natatangi at makasaysayang simbahan bilang bahagi ng faith tourism sites assessment and validation.

Kabilang sa mga binisita na ang mga sumusunod na simbahan:

  • Our Lady of the Assumption Church Parish sa Maragondon
  • Diocesan Shrine of the Immaculate Conception sa Naic
  • Santa Cruz Parish and Diocesan Shrine of Saint Augustine sa Tanza
  • Cathedral and Diocesan Shrine of Our Lady of the Pillar sa Imus City
  • Saint Mary Magdalene Parish sa Kawit
  • San Roque Parish and Diocesan Shrine of Nuestra Señora dela Soledad de Porta Vaga sa Cavite City

Sa pagi-inspeksyon, tinitiyak ang kahandaan ng pasilidad at serbisyo ng mga simbahan para tanggapin ang mga deboto sa kanilang pilgrimage.

ADVERTISEMENT

Nasa 23 ang major churches sa Cavite na maaaring puntahan sa Visita Iglesia.

“‘Yung mga major na cultural church, mga pilgrimage sites ang bina-validate natin so that we will be ready to offer ‘yung circuit during Holy Week or Lenten season,” saad ni Cavite Provincial Tourism & Cultural Affairs Office head Elinea Imelda Rozelle Sangalang.

Gananapain ang Holy Week ngayong 2022 mula April 10 hanggang 16.

PANOORIN

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.