Kotse nabangga ng bus sa Skyway | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Kotse nabangga ng bus sa Skyway
Kotse nabangga ng bus sa Skyway
Anjo Bagaoisan,
ABS-CBN News
Published Feb 11, 2019 10:40 AM PHT

MAYNILA- Nayupi ang likuran ng isang itim na sasakyan matapos banggain ng isang bus sa southbound lane ng Skyway nitong Lunes ng madaling araw.

Galing Makati ang kotse at liliko pakanan papuntang NAIA Terminal 3 exit nang matamaan sa likod ng isang Cher bus na galing
namang Magallanes pasado ala-1 ng madaling araw.

Yupi rin ang harapan ng bus at basag ang windshield nito.

TINGNAN: Bus bumangga sa kotse sa Skyway southbound malapit sa NAIA 3 exit pic.twitter.com/qLZtBvgh0p
— Anjo Bagaoisan (@anjo_bagaoisan) February 10, 2019

Ayon sa pasahero ng sasakyan na si Li Rong, isang Chinese national, nawalan siya ng kontrol ng manibela pagkabangga sa kanila at napunta palapit sa center island.

ADVERTISEMENT
Kuwento naman ng drayber ng bus na si Rolando Antivo, 59, biglang pumagitna ang kotse mula sa fast lane at tumigil kaya hindi na niya naiwasan at nabangga ito.

Walang nasugatan sa insidente pero ayon kay Antivo may pasahero ang bus na hinimatay.

Pinalipat na lang ng ibang bus ang mga pasahero samantalang dinala naman sa tanggapan ng Highway Patrol Group sa Bicutan ang bus at kotse para sa imbestigasyon.