2 umano'y kawatan, arestado sa magkahiwalay na insidente sa Makati | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2 umano'y kawatan, arestado sa magkahiwalay na insidente sa Makati

Jekki Pascual,
ABS-CBN News
Published Feb 10, 2021 05:05 AM PHT
|
Updated Feb 10, 2021 07:25 AM PHT

MAYNILA - Arestado ang dalawang lalaki na nagnakaw umano sa magkahiwalay na insidente sa Makati Martes.

Inaresto ang isang 18 anyos na lalaki matapos pagnakawan ang isang construction site sa Barangay Bangkal. Nakita ng isang construction worker ang suspek at isang pang kasabwat na pumasok at kinuha ang ilang mga gamit gaya ng electric drill, grinder at dalawang cellphone.

Nakapagsumbong agad ang construction worker sa Bantay Bayan at nahuli ang isa sa mga suspek. Nakuha sa kaniya ang isang cellphone. Nakatakas naman ang kasabwat niya na may hawak ng iba pang nakaw na gamit.

Samantala, arestado rin ang isang merchandiser sa tangkang pagnakaw sa isang supermarket sa Barangay Carmona.

ADVERTISEMENT
Palabas na ang staff at i-check ng guwardiya ang kaniyang gamit, nakita na nakabalot ng jacket ang isang plastic na may kalahating kilo ng jumbo shrimps.

Walang maipakitang resibo ang merchandiser kaya agad siyang dinala sa police station.

Nahaharap ang lalaki sa kasong qualified theft.