PatrolPH

Dating alkalde ng Olongapo na si Bong Gordon, pumanaw na

ABS-CBN News

Posted at Feb 09 2021 10:07 PM | Updated as of Feb 09 2021 10:58 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Pumanaw ang dating congressman at Olongapo Mayor na si James "Bong" Gordon Jr., ayon sa kaniyang kapatid na si Sen. Richard Gordon nitong Martes.

Nagpaabot ng pakikiramay ang mga kapwa senador sa pamilya Gordon, kabilang sina Senate President Vicente Sotto III at Sen. Juan Miguel Zubiri.

Giit ni Zubiri, mabuting kaibigan si Bong para sa maraming mambabatas na kaniyang nakasabay sa pagiging kongresista.

Wala nang ibinigay na detalye si Sen. Gordon sa pagkamatay ng kapatid at nagpasalamat sa mga kapwa senador na nakiramay sa kaniyang pamilya.

Si Bong Gordon ay naging mayor ng Olongapo mula 2004 hanggang 2013, at naging kongresista ng 1st district ng Zambales noong 1995- 2004.--Ulat ni Robert Mano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.