DepEd aminado sa mga mental health issue sa mga paaralan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
DepEd aminado sa mga mental health issue sa mga paaralan

Arra Perez,
ABS-CBN News
Published Feb 08, 2023 01:24 PM PHT
|
Updated Feb 08, 2023 01:57 PM PHT

Trigger warning: May banggit ng suicide sa balitang ito.
Good mood ang mga estudyante ng Gen. Pio del Pilar National High School sa Makati matapos makalahok sa psycho-social support seminar.

Halos hindi sila magkakakilala noong una dahil nasa iba-ibang year level pero ngayo'y may mga bagong natagpuang kaibigan sa isa't isa.

"Sumaya po ako kasi nagbibigay ng advice," sabi ng Grade 8 student na si Kyl Andanar.

"Kinakabahan kasi masyadong marami po akong makikita... Ngayon hindi na po ako kinakabahan kasi madami na po akong nakikilala at nakakausap," sabi naman ni Algin Doroin, isang Grade 7 student.

Aminado ang paaralan na magkakaibang mental health issues ang idinudulog sa kanila ng mga estudyante araw-araw.

"Dahil na rin sa iba't ibang factors. Galing tayo sa (height of) pandemic... may mga problema sila sa pamilya," anang principal na si Juliet Melo.

Kinikilala rin ng Department of Education na may mental health issues sa mga paaralan, patunay na rin ang 404 estudyanteng naitalang nag-suicide at 2,147 attempted suicide noong 2021.

Ayon kay DepEd Spokesperson Michael Poa, hindi matukoy ang eksaktong rason sa likod ng mga problema dahil sa mga medical at legal reason.

"Not only dito sa Pilipinas but global trend, talagang nag-spike daw po iyong mga suicide rates or even attempted suicide noong pandemya," ani Poa.

"Dahil po noon sila'y pumapasok sa paaralan, may mga nakakausap silang teachers at lalo na siyempre iyong mga nagkaklase... biglang nag-lockdown, so siguro talagang nahirapan dahil hindi na malabas ang saloobin," dagdag niya.

Kahit pa hindi ganoon kadaling makita sa pisikal na anyo ang mental health conditions, may mga paraan ang mga guidance advocate upang makakita man lang ng mga senyales na kailangan ng estudyante ng karampatang atensiyon.

Katunayan, may mga naisalba na silang buhay sa tulong nito.

"May student po kami na ganyan. Ang saya-saya niya dito sa school pero 'pag tiningnan mo ang kanyang Facebook, nandoon na iyong mga parang may threat na siya," ani Marcia Lulo Infante, guidance teacher ng Gen. Pio del Pilar National High School.

"Ang intervention po namin sa batang iyon, pinasali namin sa RCY (Red Cross Youth)... Noong nagkaroon ng earthquake drill, siya iyong isa sa mga first aider namin. So nakikita nila iyong purpose nila, iyong kahalagahan nila dito sa school," dagdag niya.

Sinisikap ng paaralang ma-monitor ang kondisyon ng bawat estudyante dahil ang pangangalaga anila sa mental health ay pagsalba rin ng mga buhay.

"We expose them to a lot of activities... mayroon silang participation on spoken poetry... we give them expressive arts," ani Bernadette Dingal, guidance coordinator ng paaralan.

"And then we have homeroom guidance schedule every Friday... Tinatalakay dito iyong kanilang mental health status," aniya.

Masaya rin silang nabibigyan na ng pansin ang pangangailangan sa mas maraming guidance counselor.

Bukod sa regular psycho-social activities, patuloy ang konsultasyon ng DepEd sa wellness experts para makakuha ng ideya sa mga programa para sa mental health sa mga paaralan.

May helpline din umano ang ahensiya na puwedeng tawagan ng mga estudyante.

----
----
Editor's note:
Isang grupo sa Pilipinas ang nag-aalok ng tulong sa mga indibidwal na may suicidal tendencies.

Layon ng crisis hotlines ng Natasha Goulbourn Foundation na iparamdam sa mga naturang indibidwal na may mga handang makinig sa kanila. Narito ang hotline numbers ng grupo:

Information and Crisis Intervention Center
(02) 804-HOPE (4673)
0917-558-HOPE (4673) or (632) 211-4550
0917-852-HOPE (4673) or (632) 964-6876
0917-842-HOPE (4673) or (632) 964-4084

In Touch Crisis Lines:
0917-572-HOPE or (632) 211-1305
(02) 893-7606 (24/7)
(02) 893-7603 (Mon-Fri, 9 am-5 pm)
Globe (63917) 800.1123 or (632) 506.7314
Sun (63922) 893.8944 or (632) 346.8776

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
education
Department of Education
mental health
guidance
mental wellness
students
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT