8 sugatan sa pagsabog ng granada sa North Cotabato | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

8 sugatan sa pagsabog ng granada sa North Cotabato

8 sugatan sa pagsabog ng granada sa North Cotabato

Jasper Acosta and Rodney Ontolan,

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 31, 2018 09:09 PM PHT

Clipboard

Ginulantang ng pagsabog ang bayan ng Banisilan, North Cotabato pasado alas-8 ng gabi Miyerkoles, bisperas ng selebrasyon ng ika-36 na anibersaryo ng munisipyo.

Sumabog ang granada sa isa sa mga itinayong tent ilang metro ang layo mula sa municipal gymnasium.

Walo ang sugatan sa insidente. Kinilala ang mga biktima na sina Kingboy Kadil, Sairadin Panangulon, Pax Kadil, Solaiman Amad, Jeffrey Salunayan, Linto Mamukaw, Pedro Tabaosares at Esmael Canedo.

Ayon kay Senior Insp. Wilson Maggay, hepe ng Banisilan Police, naganap ang pagsabog halos isang minuto matapos mawalan ng kuryente sa bayan.

ADVERTISEMENT

Hindi pa natukoy ang taong naghagis ng granada.

Sa follow-up investigation ng North Cotabato Provincial Police, lumalabas na rido o away pamilya dahil sa alitan sa lupa ang motibo sa likod ng pagpapasabog.

Posibleng target umano ng salarin ang barangay chairman ng Pantar na si Sani Kadil na umupo sa tent nang maganap ang pagsabog.

Bagama't hindi nasugatan si Kadil, sugatan naman ang anak nitong si Kingboy.

Sa kabila ng naganap na pagsabog, ipinagpatuloy pa rin ang mga aktibidad para sa pista ngayong Huwebes.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.